Abril 9, 1942 - dahil sa matinding hirap at gutom ay isinuko ni Heneral Edward P. King (USAFFE) ang Bataan sa puwersa ni Heneral Homma; sa loob ng Bataan Death March, ang mga sumukong sundalo ay pinagmartsa ng mga Hapon sa loob ng maraming araw nang walang pagkain at inumin mula sa Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga.