Cards (16)

  • Ang Rebolusyon ay tumutukoy sa pag-aalsa o pagrerebelde ng taumbayan laban sa pamahalaan dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga awtoridad o mga may katungkulan.
  • Ang Implikasyon ay tumutukoy sa isang pangyayari, aksiyon o sitwasyon, epekto o kahihitnan, o kahulugan na maaaring mangyari o magresulta mula sa isang pangyayari.
  • Ang mga Makasaysayang Pagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong may malaking kahalagahan sa kasaysayang panlipunan. Nakikiisa ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito.
  • Ang Pambansang Pagdiriwang ay isang espesyal na okasyon o pagdiriwang na itinataguyod at inorganisa ng isang bansa. Madalas itong ipinagdiriwang upang ipahayag at parangalan ang kultura, tradisyon, at tagumpay ng isang bansa.
  • Ang Politikal ay tumutukoy sa mga gawain, proseso, at institusyong kasangkot sa pamamahala ng isang bansa o teritoryo.
  • Ang Ekonomiya ay may kinalaman sa produksiyon, pamamahagi at paggamit ng mga mapagkukunan, at kasangkapan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan at kagustuhan ng tao.
  • Ang pambansang pagdiriwang ay isang mahalagang bahagi ng kultura ng bansa. Pagkakataon upang maisapuso ng bawat pamilya ang pakikibahagi sa mga pagdiriwang at maisabuhay ang kahalagahan ng pagiging makabayan.
  • Ang pagdiriwang ng Araw ng Rebolusyong Edsa tuwing ika-25 ng Pebrero. Ito ang naging hudyat ng pagbabalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libo-libong mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan ito ng mga mamamayan. Tinawag din itong People's Power Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan.
  • Ang EDSA Revolution ay isang mahusay na halimbawa kung paano mapagtagumpayan ang isang mithiin sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga mamamayan laban sa katiwalian.
  • Ang Pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ay tumutukoy sa isang krus na nasa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. "Dambana ng Kagitingan" ang tawag sa bantayog na ito kung saan ginugunita ng bansa tuwing Abril 9. Nagpapakita rin dito ang pagkakaisa laban sa mga dayuhan.
  • Para sa kapakanan ng ating bayan, ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ay paggunita sa isang kuwento ng mga bayani na nagtangkang labanan ang mga puwersa ng karahasan at ipakita ang kagitingan.
  • Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa o Labor Day. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba't ibang kagamitan, at iba pang bagay.
  • Ipinagdiriwang bilang isang pagkakataon upang ipahayag ang mga pangangailangan ng mga manggagawa at ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Paggunita rin ito sa kanilang dedikasyon sa trabaho at kontribusyon sa lipunan.
  • Ang Araw ng Kalayaan o Independence Day ay ipinagdidiriwang tuwing Hunyo 12 ng bawat taon na ginugunita mula sa Espanya. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayan ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park.
  • Ang Araw ng Kalayaan ay pagpapasalamat at pagbibigay-pugay sa mga bayaning nakipaglaban para sa kalayaan ng bayan ang layunin ng pagdiriwang na ito. Isang tagumpay na nagpalaya sa ating lipunan mula sa iba't ibang anyo ng pang-aalipin at gumawa ng malaking desisyon upang ipakita ang pagmamahal sa bayan, ipagdiwang ang ating kultura at kaugalian, at magkaisa bilang isang kultura.
  • Ang Nasyonalismo ay ang pagiging mabuting mamamayan ng isang tao sa bayang sinilangan. Ito ay pagpapakita ng pagmamalaki at pagmamahal sa lupang tinubuan ng buong puso.