ESP - MAKATAONG KILOS

Cards (56)

  • Pagkukusa
    ⁠➜ Ito ay isang mabuting paraan upang matulungan ang tao lalo na ang kabataan na planuhin kung ano ang gustong gawin sa buhay.
    ⁠➜ Ito ay lubhang mahalaga sa paglinang at paghubog sa kabutihang asal ng tao.
    ⁠➜ Ito ay nagmumula sa kalooban na malayang isinasagawa sa pamamatnubay ng isip/kaalaman.
  • Will o Kilos-loob.
    Ang pagkukusa o voluntariness ay galing sa salitang Latin na "voluntas" na ang ibig sabihin ay
  • ISIP
    KATOTOHANAN
  • KILOS-LOOB
    KABUTIHAN
  • AGAPAY
    ⁠➜ Anumang uri ng tao ang isang indibidwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kanyang buhay.
    ⁠➜ Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang tao ay may kontrol at pananagutan sa sanili
  • May dalawang uri ng kilos ang tao:
    1. Kilos ng tao (acts of man)
    2. Makataong kilos (human act)
  • Kilos ng tao (acts of man)-

    Ito ay ang mga kilos na nagaganap sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
  • Makataong kilos (human act)

    Ito ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya't may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
  • Aristoteles
    may TATLONG URI NG KILOS ayon sa kapanagutan
  • TATLONG URI NG KILOS ayon sa kapanagutan:
    1. Kusang-loob
    2. Di- Kusang-loob
    3. Walang Kusang-loob
  • Kusang-loob
    Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang- ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
  • Di-Kusang-loob
    Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
  • Walang Kusang-loob
    Ito ay walang kaalaman at walang pagsang-ayon.
  • Santo Tomas
    "Hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa pinakamataas na layunin."
  • Aristoteles
    may eksepsyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos.
  • Apat na elemento ng makataong kilos:
    1. Paglalayon
    2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin,
    3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan,
    4. Pagsasakilos ng paraan.
  • Paglalayon.
    Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos, nasa kanya ang kapanagutan ng kilos.
  • Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin

    Ang pamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran.
  • Pagpili ng pinakamalapit na paraan
    Sa puntong ito, naitanong mo: -Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito?
  • Pagsasakilos ng paraan
    Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamaraan ay ang paglapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikitos.
  • Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos
    1. Kamangmangan
    2. Masidhing Damdamin
    3. Takot
    4. Karahasan
    5. Gawi
  • Kamangmangan
    Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel ng isip. Sa kabilang dako, ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglayin ng tao.
  • nadaraig (vincible)

    ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito
  • Hindi-Nadaraig (invicible)

    Maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman o kaya naman ay walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba
  • Masidhing Damdamin
    • Ito ang dikta ng bodily appetites pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency) o damdamin
    • Ito ay paglaban din ng masidhing damdamin sa isip na para bang ang pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng isip.
    • Tumutukoy rin ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-was sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap
  • Ang nauuna (antecedent)

    • Ito ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob o sinadya. Uumiiral ito bago pa man gawin ang isang kilos ng tao (act of man).
    • Hindi nakapag-aalis ng kapanagutan subalit nakapagpapababa lamang ito.
  • Ang nahuhuli (consequent)

    Damdaming sinadyang mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa. Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan nang mas mataas na antas na kakayahan ang isip upang mawala ang sidhi ng damdamin.
  • Takot
    Ito ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o sa mga mahal sa buhay.
  • Karahasan
    Ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya.
  • Gawi
    Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na gawi (habits).
  • Moral
    ay siyang nagtatakda kung ang isang kilos ay mabuti o masama.
  • Fr. Neil Sevilla,

    "Simula nang magkaroon ng isip ang tao sa Bul hangga ggang sa kaniyang kamatayan, nagsasagawa siya araw-a w-araw ng pagpapasiya".
  • MGA HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASYA
    1. Magkalap ng patunay (Look for the facts).
    2. Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities).
    3. Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own).
    4. Tingnan ang kalooban (Turn inward).
    5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God's help).
    6. Magsagawa ng pasiya (Name your decision).
  • Magkalap ng patunay (Look for the facts).

    Mahal thalaga na sa unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili.
  • Isaisip ang mga posibilidad (Imagine possibilities).

    Mahalaga na tingnan mabuti ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon. Dito ay kailangang makita kung ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito Ano ang maaaring maging epekto nito hindi lamang sa sani kundi para sa ibang tao.
  • Maghanap ng ibang kaalaman (Seek insight beyond your own).

    Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang pagpapasiya.
  • Tingnan ang kalooban (Turn inward).

    Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban tungkol sa sitwasyon? Ano ang sinasabi ng iyong konsensiya? Ano ang personal mong nararamdaman ukol sa sitwasyon? Ang lahat ng katanungan ay kailangan mong sagutin sapagkat sa anumang pasiya na iyong gagawin, kailangan na ikaw ay magiging masaya.
  • Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (Expect and trust in God's help).

    Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng pinakamabuti para sa atin, kaya't napakahalaga na tumawag sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin. Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya para sa atin. Ito rin ang magsisilbing lakas na magagamit sa sandaling dumaranas sa mahirap na sitwasyon.
  • Magsagawa ng pasiya (Name your decision).

    Dito ay magsasagawa ka na ng pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang iyong sarili kung bakit mo ito pinili. Ano ang iyong mga plano sa iyong ginawang pagpili? Ikaw ba ay masaya nito? Ito ba ay batay sa moral na pamantayan? Ang mga tanong na ito ang magsisilbing gabay mo upang tumungo sa isang moral na pagpapasya.
  • Sto Tomas Aquino
    Ang makataong kilos ay may 12 yugto. Ang dalawang kategoryang bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ay ang isip at kilos loob