Cards (6)

  • Ang Pabula ay isang maikling kuwento na karaniwang ang mga tauhan ay mga hayop na nagsasalita at kumikilos tulad ng tao. Ito ay isang suliraning nilulutas, isang mahalagang pangyayari, at matatapos o mababasa sa isang upuan lamang. Ito ay hindi lamang hitik sa kagandahang-asal kung hindi maging ang kultura ay masasalamin dito.
  • Bilang isang kuwento, isa sa mga kinagigiliwang kuwento dahil sa pagkakaroon nito ng tauhang hayop na gumaganap at nagsasalita na parang tao.
  • Bilang isang sining, may kung anong kapangyarihan ang pabula upang gisingin ang imahinasyon ng mambabasa.
  • Bilang isang karunungan, ayon kay Aesop, ang pabula ay kinapalooban ng mga kaisipang nais na itatak sa mga mambabasa.
  • KULTURA - Ang iba't ibang pagpapakilala sa uri ng tauhan katulad ng pag-uugali, antas ng pamumuhay, o kilos ay sumasalamin sa kultura o pamumuhay ng mga tao sa isang partikular na rehiyon.
  • SIMBOLISMO, katulad ng isang genre ng panitikan, ito ay kinapapalooban ng mga bagay o simbolo na nagsasaad ng kahulugan.