Subdecks (1)

Cards (15)

  • Ang Dula ay isang panitikang itinatanghal sa entablado.
  • Naiiba ang dula sa iba pang akdang pampanitikan dahil ito ay nahahati sa iba't ibang yugto, maraming tauhan at tagpuan.
  • Ayon kay Arrogante (1991), ang dula ay kilala bilang isang akdang pampanitikan na may layuning manggaya sa mga kaganapan sa buhay at ipinalalabas sa tanghalan.
  • Ang mga layunin ng isang dula ay:
    > magbigay-libangan sa mga manonood.
    > magbigay-buhay ang mga tauhan sa kuwento.
    > maibahagi ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan.
  • Ang Iskrip ay isang elemento ng dula na naging bersiyon ng dulang pagtatanghal.
  • Sa dula, ang tauhan ang sentro ng kuwento sapagkat sila ang nagbibigay-buhay nito.
  • Ang dulang panlansangan ay dulang itinatanghal sa lansangan na naglalayong magbigay ng magandang pagtatanghal sa taong-bayan.
  • Ayon kay Jose A. Arrogante, ang dula ay kinilala bilang isang akdang pampanitikang layuning manggaya sa mga kaganapan sa buhay na ipinalalabas o ipinamamalas sa tanghalan.
  • Ang dulang "Ang Mahiwagang Tandang" ay dula mula sa Mindanao.
  • Ang albularyo ay isang saliitang katawagan para sa mga katutubong Pilipinong manggagamot at pinuno ng pamayanan.