Memoir, naratibo ng aktuwal na karanasan ng isang tao tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan.
Journal. publikasyon ito ng mga siyentipikong pananaliksik at pag-aaral na maaaring matagpuan sa onlayn o sa mga silid-aklatan. Kalimitang ang mga paksa ng artikulo ay may kaugnayan sa kasaysayan, kultura, linggwistika, agham, matematika, at iba pa. Ang kabuuan ng artikulo sa journal ay mababasa sa Abstrak nito na nagpapakita ng kabuuan ng lagom ng pananaliksik.
Personal na Sanaysay, tumatalakay sa aktuwal na karanasan ng manunulat sa kaniyang buhay.
Kasaysayan, paglalahad ito ng mga bagong konsepto o argumento hinggil sa mha impormasyong historikal.
Heograpiya, nagbibigay ito ng impormasyon sa lokasyon ng isang lugar, pasyalan, o parke at ng gabay kung papaano mararating ang nasabing lugar.|
Medikal na Teksto, talaan ng mga gamot at paraan ng paggamit ng mga ito ang makikita.
Brochure - Sa Pilipinas, kalimitang ginagamit ang brochure bilang pamphlet para sa mga pribadong paaralan at mga kompanya tulad ng bangko, malls, at iba pa. Ito ay naglalahad ng impormasyon na maaaring makapukaw ng atensiyon o mapapakinabangan ng sinoman.
Menu, komprehensibong talaan ng mga ulam, pagkain, at inumin na ibinebenta ng isang restawran.
Resipe - Ito ang nagsisilbing talaan ng mga pamamaraan kung paano lulutuin ang isang uri ng ulam o putahe.
Transkripsyon na Talumpati - lagom ng mahahalagang impormasyong binanggit sa isang talumpati.