Mga Kasanayang Pang-akademiko sa Pagsulat

Cards (6)

  • Sa pagsulat ay mahalaga sa balita, sanaysay, lathalain, o anumang artikulo. Kasama rito ang:
    1. Pagtukoy sa paksa, layon, at ideya.
    2. Pagtatala ng mahahalagang impormasyon o detalye.
  • Mekaniks sa Pagsulat tulad ng:
    * Diksiyon
    * Estilo
    * Paggamit ng transisyonal at kohesiyong gramatikal.
    * Paggamit ng angkop na mga salita sa pagpapahayag ng ideya.
    * Pagbuo ng maayos na talata upang maging malinaw ang mensahe.
    1. Pagtukoy sa Paksa
    Ito ay ang pagkilala sa tema o paksa na tinatalakay na artikulo sa una at ikalawang pangungusap pa lamang ng talata ay mauunawaan na ng mambabasa ang intensiyon at layunin ng pahayag. Ang ideyang ipinapahiwatig ng talata ay dapat na maging malinaw.
  • 2. Pagtatala ng mahahalagang impormasyon.
    Ang mga detalye ng pahayag ang nagbibigay ng mga kaalaman sa mambabasa ng tekstong ekspositori.
  • 3. Mekaniks sa Pagsulat
    Tinutugunan naman nila ang epektibong paggamit ng mga kohesiyong gramatikal at nga transisyonal na pahayag (gamit ang mga pangatnig na samakatuwid kung tutuusin, kung lalagumin, bilang pagwawakas at iba pa) upang epektibong mapalutang ang estilo ng manunulat.
  • 4. Paggamit ng mga Angkop na Salita
    Ang mahusay na pagpili ng mga angkop na salita ang magbibigay ng kapangyarihan sa manunulat upang epektibong maipahayag ang kaniyang mga argumento na makatutulong sa paglalahad ng mensahe ng artikulo o sulatin.