Ang Brochure ay karaniwang isang piraso ng papel na may nakatiklop na bahagi na naglalaman ng mga larawan at impormasyon. Ito ay mabisang paraanupang makuha ang target na mambabasa o kustomer.
Ang paggamit ng comic brochure ay isang malikhaing paraan upang maghatid ng impormasyon. Ang mga biswal na kuwento ay mas madaling maunawaan at nakakaakit ng atensiyon.
Dialogue Balloon - Pagpapalitan ito ng dayalog ng mga karakter.
Thought Balloon - Naglalaman ito ng iniisip ng karakter.
Scream Bubble - Sumisigaw ito na karakter
Whisper Balloon - Pabulong o lihim na tono nito ng karakter.
Narrative Caption - Ipinapahayag ito ng awtor.
Burst Balloon - Nagpahiwatig ito ng pagsabog o pagsiklab
Ang Tekstong Biswal ay tumutukoy sa mga imahen o larawan na nagpapahayag ng mensahe o impormasyon. Ito ay isang uri ng komunikasyon na ipinapakita sa pamamagitan ng larawan, disenyo. sukat, tupi, kulay at iba pang biswal na aspekto.
Panel - Ang mga kahon o frame kung saan makikita ang eksena. Binibigyang linaw nito ang takbo ng kuwento sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga magkakasunod na eksena.
Guhit (Artwork) - Dito makikita ang estilo ng pagkakaguhit ng mga karakter, background, at iba pang mga elemento. Mahalaga ang paggamit ng kulay, linya, at shading upang magpahayag ng emosyon at aksiyon.
Salaysay (Narrative o CaptionBox) - Nagsisilbing tagapagsalaysay o nagbibigay ng mga impormasyon sa kwento, tulad ng lugar, oras, o damdamin ng mga tauhan. Kadalasang nasa itaas o ibaba ng panel.
Mga Usapan (Speech Bubbles) - Dito nakapaloob ang mga linya ng mga tauhan, na may iba't ibang uri ng bubble ayon sa tono ng pananalita, tulad ng normal na usapan, bulong, o sigaw.
Mga Tunog (Sound Effect) - Ang mga onomatopoeic na tunog ay nagpapakita ng mga aksiyon o tunog na nagaganap sa eksena.
Karakter - Ang mga tauhan na gumagalaw sa kwento. Mahalaga ang kanilang hitsura, kilos, at ekspresyon ng mukha para ipahayag ang kanilang damdamin at personalidad.
Banghay (Plot o Storyline) - Ang kabuuang daloy ng kuwento na pinagsama-sama ng mga panel, karakter, at dialogue. Ginagamit upang bigyang direksyon ang kuwento ng komiks.