MALIKHAING PAGSULAT

Cards (26)

  • ayon kay Castillo et al. (2008)
    Ang malikhaing pagsulat ay isang natatanging uri ng pagsulat
  • isinaad ni Rene Villanueva
    Kinakailangan din nitong maging
    mapagparanas at makintal. Ang malikhaing pagsulat ay may iba’t Ibang genre o anyo: ang tula, maikling kuwento, dula, at nobela.
  • TULA
    nagtataglay ng mga taludtod o ang linya ng mga salita ng tula at ng mga saknong
  • Sukatbilang ng pantig sa bawat taludtod
    Tugma – magkakatunog na salita sa dulo ng taludturan
    Tema – kaisipan o mensahe
    Kariktan o talinghaga – tumutukoy sa paggamit ng maririkit o matatalinghagang
    Imahen – matingkad na paraan ng paggamit ng wika
    Persona – tumutukoy sa katauhan ng nagsasalita sa tula
  • Dalawang Anyo ng Tula
    • Tradisyonal na tula – may tiyak na bilang ng pantig sa bawat linya o taludtod. 
    • Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat at tugma. Tinatawag itong malaya sapagkat hindi ito sumusunod sa kumbensiyonal na patakaran ng pagsulat ng tula.
  • KWENTO
    isa sa mga uri ng panitikan sa anyong tuluyan o prosa. Nagsasalaysay ito ng mga pangyayari na kinasasangkutan ng isa o higit pang tauhan
  • KWENTO
    May dalawang karaniwang uri maikling kuwento at ang nobela.
  • Mga Elemento ng Kwento
    • Tauhan – kumikilos at nagbibigay ng buhay sa kuwento
    • Tagpuan – lugar at panahon ng mga pinangyarihan sa kuwento
    • Banghay – sinusundang lohika ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
    • Suliranin – kinakaharap ang tauhan na magbubunsod ng mga pangyayaring
    • Tema – paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela
  • DULA
    nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo. ang pinakalayunin ay maitanghal sa tanghalan.
  • Mga Sangkap ng Dula
    • Tauhan – kumikilos at nagbibigay ng buhay dula
    • Tagpuanpanahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
    • Aksiyon at banghay – tinatawag na aksiyon ng dula ang bawat pagkilos ng tauhan na nagbubunga ng pagbabago at magkakaugnay na mga pangyayari 
    • Diyalogo – pag-uusap ng mga tauhan na naghahatid ng kanilang intensiyon, motibasyon, layunin, at nagpapausad ng kuwento ng dula
  • tula

    isang uri ng panitikan na nagtataglay ng mga elementong talinghaga, imahen, boses o persona, sukat, at tugma.
  • Makata
    ang tawag sa mga sumusulat ng tula gaya ni Balagtas. ito ay ang pagiging malalim mag-isip at  gumagamit ng malalim at matatalinghagang salita
  • Talinghaga o Metapora
    Nakapasok sa talinghaga ang diwang nais ipahayag ng tula na hindi tahasang isinasaad o maaaring ipinahihiwatig lang.
  • Imahen
    upang   paigtingin   ang   paningin,   pang-amoy,   pandinig, panlasa at pandama ng mambabasa.
  • Relasyon ng Talinghaga at Imahen

    Gumagamit ng mga kagamitang pampanitikan gaya ng tayutay
  • sukat
    bilang ng pantig sa isa o bawat taludtod ng tula
  • Tugma
    magkakaparehong tunog sa dulo ng bawat taludtod
  • Kumbensiyonal na Tula o Tulang Tradisyonal
    Ito ang anyo ng tula na pamilyar sa lahat o iyong may sinusundang padron ng tugma at sukat na kinakailangang isakatuparan kasabay ng paggamit ng malalalim na salita at talinghaga.
  • TANAGA
    Binubuo ng apat na linya na may pipituhin at isahang pantigan. Ibig sabihin ay karaniwan itong nagtatapos sa isang tunog lamang o AAAA.
  • DIYONA
    sinaunang tulang Tagalog. Ang tanging pagkakaiba nito sa tanaga ay binubuo lamang ito ng tatlong linya, may pipituhing sukat, at karaniwang nasa isang tugmaan.
  • HAIKU
    Ang haiku ay isang tulang Hapon na may tatlong linya at sumusunod sa padron ng sukat na 5-7-5. Naghahayag ito ng diwa ng isang isang partikular na sandali ng
    panahon.
  • MALAYANG TALUDTURAN
    isang anyo ng tulang walang sinusundang partikular na kumbensiyon tulad ng sukat at tugma, ngunit nagtataglay pa rin ng ibang elemento ng tula.
  • MAIKLING KWENTO
    nagsasalaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa tauhan. Ito ay maaaring mag-iwan ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Ito ay maikli lamang kung kaya’t madaling basahin at kayang tapusin sa loob ng ilang minuto. Ang mga kaganapan sa maikling kuwento ay maaaring nangyari sa totoong buhay o maaaring imahinasyon lamang ng manunulat.
  • ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
    TAUHAN - Ang tauhan ay ang nagbibigay-buhay at gumaganap sa pangyayari ng kuwento.
    BANGHAY - sistematikong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
  • ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
    Ang nagdadala ng interes sa mga mambabasa, ito ang oposisyon sa tunguhin ng pangunahing tauhan.
  • TEMA
    Tumutukoy sa kaisipan o katotohanang ipinararating ng kuwento
    tungkol sa buhay