Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit sa araw araw.
Ang wika ay isang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Ang wika ay isang instrumentong maituturing upang magkaunawaan ang isa't isa.
Lingguwista - Taong dalumbhasa sa iba't ibang uri ng wika
Ang pagsasaling-wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa isang dati nag umiiral na pahayag sa ibang bansa.
Ang pagsasaling-wika ay ang pagsasalin o paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na mensahe o ideya ng tekstong isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.
Simulang Lengguwahe - Wika ng isinasaling akda
Tunguhang Lengguwahe - Wikang pinagsasalinan ng akda