FIL-3RD-SUM

Cards (58)

  • Ano ang Elehiya (Dalitlumbay)?

    • Ito ay tulang pandamdamin na may dalawang katangiang pagkakakilanlan:
    • Una, ito ay tula ng pananangis, lalo na sa pag-alala sa isang yumao;
    • Ikalawa, ang himig nito ay mapagmunimuni. Sa mga Griyego, malawak ang sakop na paksa ng elehiya, hindi lámang ang pagluluksa, pagdakila sa isang yumao, at pakikiramay sa mga kaanak. Bukod sa nabanggit, ang elehiya ay maaari ring magpahayag ng pagiging makabayan, magiliw na damdámin, usaping panlipunan, o mga pilosopiya.
  • Kanino ang aklat na Companion to Greek Studies na sinulat noong 1931?
    Leonard Whibley
  • Ano ang mga Ionian?

    -mga Griyego mulâ sa Silangan
    -ang nanguna sa paglikha ng isang uri ng tulâ na tinawag na elehiya.
  • Saan nagmula ang salitang 'elehiya'?
    “Elegos” ang itinawag nilá rito, ang salitang Griyego na siyáng pinagmulan ng salitang “elehiya.”
  • Ano ang tumutukoy sa isang tulang binibigkas upang ipagluksa ang mga yumao?
     Ang “elegos” ay tumutukoy sa isang tulâng binibigkas upang ipagluksa ang mga yumao. Ang pag-awit nito ay sinasabayan ng plawta.
  • hexameter
    (taludtod na may anim na pares ng metrikong yunit) na sinundan ng; pentameter
  • pentameter
    (taludtod na may limang pares ng metrikong yunit).
  • Estruktura ng Elehiya (Ionian)
    · Pentameter taludtod na may limang pares ng metrikong yunit. (sasampuin)
    · Hexameter taludtod na may anim na pares ng metrikong yunit (lalabindalawahin)
  • Gumagamit ng personipikasyon sa pagsulat ng elehiya upang magunita ang alaala ng pinaglalaanan nito.
  • Ano ang karaniwang simula ng isang elehiya?
    Pag-uusap tungkol sa yumaong pinaglalaanan
  • Ano ang papel ng makata sa elehiya?
    Marunong mag-parirala ng mga kaisipang mapanlikha
  • Anong mga tanong ang madalas na itinatanggi ng makata sa elehiya?
    Tungkol sa tadhana, hustisya at kapalaran
  • Paano iniuugnay ng makata ang mga kaganapan ng namatay sa kanyang buhay?
    Sa pamamagitan ng banayad na paghahambing
  • Ano ang epekto ng ganitong uri ng paglilihis sa elehiya?
    Nagbibigay ng puwang para sa mas malalim na antas
  • Ano ang maaaring maging katangian ng mga konotasyon sa elehiya?
    Matalinghaga tungkol sa buhay ng tao
  • Ano ang pangkalahatang layunin ng makata sa elehiya?
    Magbigay ng ginhawa upang mabawasan ang sakit
  • Ano ang mga nilalaman ng aklat ni Leonard Whibley?

    Mga tungkol sa Elehiya
  • Mga Uri ng Elehiya
    1. Martial Elegy
    2. Gnomic Elegy
    3. Funeral o Commemorative Elegy
  • Martial Elegy
    -Ito ay elehiyang pumapaksa sa bayan.
  • Callinus ng Ephesus (660 BCE)

    -Ang naitalang kaunaunahang makata na lumikha ng ganitong mga uri ng elehiya.
  • Gnomic Elegy
    -Karaniwang maikli at matalinghagang tulâ ito tungkol sa tradisyonal na karunungan at moralidad.
  • Funeral o Commemorative Elegy
    -Uri naman ito ng elehiya na binibigkas upang dakilain at alalahanin ang mabubuting karanasan ng mga yumao. Ito ang kilála nating elehiya na binibigkas sa kasalukuyan.
  • Elemento ng Elehiya

    1. Tema
    2. Tauhan
    3. Kaugalian o Tradisyon
    4. Wikang ginagamit (Pormal at Di Pormal)
    5. Simbolo
    6. Damdamin
  • Tema
    ang kabuoang kaisipan ng elehiya na kadalasang kongkreto at base sa karanasan.
  • Tauhan
    mga taong kasangkot sa tula.
  • Kaugalian o Tradisyon
    nakikita ang nakaugalian o isang tradisyong masasalamin sa tula.
  • Wikang ginagamit
    Pormal - ang istandard ng wika
    Di Pormal - salita na ginagamit sa pang-arawaraw na usapan
  • Simbolo
    gumagamit ng mga simbolo upang ipahiwatig ang isang kaisipan o ideya.
  • Damdamin
    ang damdaming nakapaloob sa tula
  • hexameter
    (taludtod na may anim na pares ng metrikong yunit / lalabindalawahing pantig) na may apat na taludtod bawat saknong.
  • Bukod sa elehiya ay may iba pang uri ng tulang pandamdamin at ito ay ang sumusunod:
    • pastoral (dalitbukid)
    • oda (dalitpuri)
    • dalit (dalitsamba)
    • soneto (dalitwari)
  • Pastoral (Dalitbukid)

    ang tunay na layunin ay maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. Ang ganitong uri ng pamumuhay ang karaniwang kinagigiliwang paksa sa tulang liriko, Isang halimbawa nito ay ang "Bahay-Kubo" na isinulat ni Victor S. Fernandez.
  • Oda (Dalitpuri)

    sa makabagong panulaan ay isang uri ng tulang liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o kaya'y tiyak na bilang ng mga taludtod sa isang taludturan. Isang magandang halimbawa nito ay ang tulang "Manggagawa" na isinulat ni Jose Corazon de Jesus.
  • Dalit (Dalitsamba)

    isang maikling awit na pumupuri sa Diyos. Ito ay isang maikling tulang liriko na nilikhang may aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta. Kalimitan itong wawaluhing pantig na may dalawa, tatlo, o kaya'y apat na taludturang may apat na taludtod bawat isa.
  • Soneto (Dalitwari)

    -tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan.
    -Isang halimbawa nito ay ang tulang isinulat ni Jose Villa Panganiban na may pamagat na "Buhay at Kamatayan."
  • Bakit si JOSE RIZAL ang itinuring na "Pambansang Bayani"?
    Ayon kay Dr. H. Otley Beyer (Dalubhasa sa Antropolohiya), ang mga pamantayan bilang isang bayani ay ang:
    1. Isang Pilipino
    2. Yumao na
    3. May matayog na pagmamahal sa bayan
    4. May mahinahong damdamin
  • Sino-sino ang mga pinagpilian bilang bayani?
    -Marcelo H. Del Pilar
    -Graciano Lopez-Jaena
    -JOSE RIZAL
    -Antonio Luna
    -Emilio Jacinto
    -Andres Bonifacio
  • Ano ang mga ginawa ni RIZAL bilang maging bayani?
    ·   Iminulat ni Rizal ang mga mata ng mga Pilipino upang maghimagsik
    ·   Huwaran ng kapayapaan
    ·   Sentimental at maramdamin ng mga Pilipino
  • Batas Republika Blg. 1425
    ·  kilala sa tawag na BATAS RIZAL ipinagtibay noong Hunyo 12, 1956
    ·  inihanda ni Senador Jose P. Laurel Sr.
    ·  Pambansang Kapulungan ng Edukasyon Ipinatupad noong Agosto 16, 1956
    · Nagtatadhana ng pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralan ng kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at mga isinulat ni Jose Rizal.
  • Ano ang buong pangalan ni Rizal?
    Jose Protacio Rizal Mercado Y Alonso Realonda