Kahulugan ng Pamilihan

Cards (17)

  • pamilihan
    • hango sa salitang Latin na mercatus (na kinuha sa mga salitang mercari) na nangangahulugang kalakalan at merx na ang ibig sabihin ay kalakal o produkto.
    • naglalarawan sa isang lugar kung saan nagkakaroon ng pagpapalitan ng mga produkto o kalakal sa pagitan ng mga mamimili at bahay-kalakal
    • kinakailangang may nakatayong establisimyento kung saan nagpupunta ang mga mamimili at prodyuser o fixed place
  • Mga Klasipikasyon at Uri ng Pamilihan
    • Lokal
    • Labas ng bansa o foreign
    • Tingi o Retail
    • Bulto, Pakyaw, o Wholesale
    • Pangkaraniwang produkto o commodity
    • Paggawa o Labor
    • Imbak o stock
    • Lupa o Real Estate
  • Lokal
    • Ang lokal na pamilihan ay matatagpuan sa loob ng ating bansa. Dahil ito ay nasa loob ng bansa, kumikita ito ng salaping piso.
    • Halimbawa nito ang mga sari-sari store , mall , at pamilihang bayan.
    • Tinatawag din itong domestic market
  • Labas ng bansa o foreign
    • Ang pamilihan ay wala sa teritoryo ng bansa kung kaya’t nasa ibang bansa ang hurisdiksyon nito.
    • Ito ay kumikita ng salaping dolyar o US dollar dahil ito ang currency na kinikilala sa buong mundo.
  • Tingi o Retail
    • Tindahan na nagbebenta ng mga produkto nang paisa-isa o pira-piraso.
    • Hal. sari-sari store
  • Bulto, Pakyaw, o Wholesale
    • Pamilihan na nagbebenta ng kalakal nang maramihan.
    • Hindi maaaring makabili ng paisa-isa, bagkus pakyaw o bulto ang bawat transaksiyon.
  • Pangkaraniwang produkto o commodity
    • Produktong kailangan sa pang-araw-araw na pagkonsumo ng mga tao.
    • Halimbawa nito ay ang mga pamilihang bayan kung saan makakabili ng gulay, isda, bigas, o prutas.
  • Paggawa o Labor
    • Ito ay maaaring white collar job
    • ang manggagawa ay professional at non-manual
    • Blue collar job
    • ang pisikal na lakas o manual labor ang gamit ng manggagawa upang kumite.
    • Tinatawag ding “labor market”.
  • Imbak o stock
    • Nakapaloob sa palitan ng mga pagmamay-ari ng shares of stocks ng mga kompanya ang ganitong uri ng pamilihan
  • foreign exchange
    Ang palitan ng salapi ng iba’t ibang bansa ay kabilang rito at tinatawag
  • Lupa o Real Estate
    Ito ay ang pamilihan kung saan ang mga kasunduan ay ukol sa paglilipat ng pagmamayari ng mga lupa at iba pang real properties gaya ng bahay at condominium
  • Markets are usually a good way to organize economic activity.
    wika ni Gregory Mankiw
  • Uri ng Pamilihan ayon sa Lugar
    • Lokal
    • Labas ng bansa o foreign
  • Uri ng Pamilihan ayon sa Transaksiyon o Kasunduan
    • Tingi o Retail
    • Bulto, Pakyaw, o Wholesale
  • Uri ng Pamilihan ayon sa Produkto o Kalakal
    • Pangkaraniwang produkto o commodity
    • Paggawa o Labor
    • Imbak o Stock
    • Lupa o Real Estate
  • Katangian ng Pamilihan
    • Pamilihan ang nagdidikta kung anong produkto o serbisyo ang dapat gawin, kung paano ito gagawin, at kung gaano karami ang gagawin.
    • Magkaiba ang pamilihan at palengke. Bahagi lamang ng pamilihan ang palengke. Dito nagaganap ang direktang ugnayan o harapang transaksyon ng mga mamimili at nagtitinda.
    • Mas malawak ang pamilihan kaysa palengke dahil hindi kailangan na magkaroon ng pisikal na transaksyon sa pagitan ng mamimili at nagtitinda. Maari itong gawin sa pamamgitan ng telepono, sulat, o Internet.
    • Bawat produkto at serbisyo sa pamilihan ay may itinatakdang presyo.
  • presyo
    • halaga na babayaran ng mamimili kapalit ng produkto o serbisyo na kaniyang kinuha
    • itinatakda ang presyo ng produkto o serbisyo sa pamilihan batay sa pangangailangan o kagustuhan ng tao.