Tumutukoy sa balangkas na uimiiral sa sistema ng pamilihan kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser.
Dalawang Uri ng Estruktura ng Pamilihan
perpekto o purong pamilihan
di-perpekto
Perpekto o purong pamilihan
mayroong balanseng dami ng mamimili at mangangalakal na siyang nagpapakita ng balanseng demand at suplay
Katangian ng Perpekto o Purong Pamilihan (Perfect o Pure Market)
Mayroong malaking bilang ng nagtitinda at mamimili
Alam ng mga mamimili ang presyong itinakda ng mga nagtitinda ng produkto at serbisyo
Isang presyo lamang ang umiiral sa pamilihan dahil sa kompetisyon sa pagitan ng mga nagtitinda at mamimili.
Di-Perpekto o Di-Purong Pamilihan (Imperfect o Impure Markets)
Kompetisyon
Monopolyo
Monopsonyo
Kompetisyon
Sa kompetisyon, may paligsahan sa pagitan ng mga nagtitinda ng produkto at serbisyo
Mayroong dalawang uri ng kompetisyon:
Ganap na Kompetisyon
Di-ganap na Kompetisyon
Ganap na kompetisyon
Marami ang nagtitinda at marami ang namimili, maraming magkakaparehong produkto ang ipinagbibili sa pamilihan, at walang limitasyon ang paligsahan ng mga nagtitinda ng produkto at serbisyo.
Di-ganap na kompetisyon
Marami ang nagtitinda at marami ang namimili, maraming magkakaparehong produkto ang ipinagbibili sa pamilihan, at may limitasyon ang paligsahan ng mga nagtitinda ng produkto at serbisyo
Pamilihang May Ganap na Kompetisyon
Ito ang estruktura ng pamilihan na kinikilalabilang modelo o ideal.
Sa pamilihang ito, walang kakayahan sinuman sa bahay-kalakal at mamimili na kontrolin ang presyo, ang mga produktong ipinagbibili ay walang pagkakaiba.
Pamilihang may Hindi Ganap na Kompetisyon
Sa pamilihang ito, nakokontrol ng isa o iilang kompanya ang presyo ng produkto.
Ang lahat ng prodyuser na bumubuo sa ganitong estruktura ay may kapangyarihang maimpluwensihan ang presyo sa pamilihan.
Monopolyo
iisa ang nagtitinda ngunit marami ang bumibili.
Iisang tao o iisang kompanya lamang ang pinagkukunan ng isang produkto kaya nakokontrol nito ang presyo at dami ng supply ng produkto o serbisyo sa pamilihan
Tatlong dahilan kung bakit walang ibang manininda kung may monopolyo:
Stuctural Barriers
Strategic Barriers
Legal Barriers
Patent
ito ay ang pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon.
Ito ay ipinagkakaloob ng gobyerno sa isang imbentor upang mapagbawalan ang iba na gawin, gamitin, ibenta, iangkat at iluwas ang imbensyon niya kapalit ng pagsisiwalat sa publiko ng mga detalye ng kaniyang imbensyon
Copyright
isang uri ng intellectual property right na tumutukoy sa karapatang pagmamay-ari ng isang tao na maaaring kabilang ang akdang pampanitikan o akdang pansining
Kabilang dito ang mga gawa gaya ng aklat, musika, paintings, iskultura, pelikula, computer programs, databases, advertisements, maps at technical drawings.
Trademark
paglalagay ng mga simbolo o marka sa mga produkto at serbisyo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng kompanyang may gawa o nagmamayari nito.
MONOPSONYO
Mayroon lamang iisang mamimili ngunit maraming prodyuser ng produkto at serbisyo.
Hal, pulis, sundalo, traffic enforcer,guro
Monopolistikong kompetisyon
Maraming kalahok na prodyuser ang nagbebenta ng mga produkto sa pamilihan subalit marami rin ang mga konsyumer.
toothpaste
OLIGOPOLYO
Isang uri ng estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang o iilan lamang na prodyuser ang nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnany na produkto at serbisyo
Kartel
Kartel
isang samahan ng malalayang bahaykalakal o prodyuser na gumagawa ng magkakatulad na produkto, sama-samang kumikilos upang itaas ang presyo, at takdaan ang dami ng gagawaing produkto.