“Ang pamahalaan ay may kakayahang pagandahin ang epekto ng pamilihan sa bansa”.
Suggested retail price (SRP)
ang itinatakdang presyo ng pamahalaan para sa mga pangunahing produkto na kinokonsumo ng mga mamamayan gaya ng bigas, asukal, itlog, at tinapay.
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ang nagpapatupad ng price stabilization program.
Halimbawa ng mga hakbang na ginagawa para mastabilize ang presyo ng mga produkto ay ang pagbabawas ng salapi na nasa sirkulasyon
price stabilization program
ipinatutupad ng pamahalaan upang mapatatag ang pamilihan at maiwasan ang mataas na inflation o mabilisang pagtaas ng presyo ng bilihin
Pagkontrol ng Presyo ng mga Produkto at Serbisyo
price ceiling
price floor
price freeze
price support
price ceiling o maximum price policy
ang pinakamataas na presyo na maaaring ipataw ng prodyuser sa produkto.
price floor o minimum price policy
ang pinakamababang presyo na maaaring ipataw ng mga prodyuser sa produkto.
price freeze
Pagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin lalo na sa panahon ng kalamidad.
price support
ang pamamaraan ng pamahalaan na tulungan ang mga negosyante na maiwasan ang pagkalugi o pagliit ng kita.
Gamit ang subsidy, tax exemption o tax deduction, at discount ay napananatili nitong mababa ang halaga ng produksyon at naiiwasang tumaas ang presyo ng mga bilihin.