Ang kasarian ay maaaring mapalitan sa pamamagitan ng operasyon, pag-inom ng iba't ibang gamot, at iba pang pisikal na pamamaraan, ngunit may kahirapan.
Heterosexual ay tumutukoy sa mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian: mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
Homosexual ay tumutukoy sa mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian: mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha.
Gay (bakla) ay tumutukoy sa mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae.
Transgender ay tumutukoy sa kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kanyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
Paano hinuhubog ng lipunan ang pagkilos, mga gawain, at pananalita ng bawat indibidwal?
Ang pagkilos, mga gawain, at pananalita ng bawat indibidwal ay hinuhubog ng lipunan, na nagmumula sa ating kinagisnang kultura hanggang sa mga taong ating nakakasalamuha.