Mgaidyoma - mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao mga pangyayari sa buhay at sa paligid subalit nababalutan ng higit na malalim na kahulugan.
Mgatayutay - isa pang uri ng matatalinhagang pagpapahayag kung saan sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang higit na mapaganda o mabigyang halina ang isinusulat o sinasabi
Pagtutulad (simile) - paghahambing ng dalawang magkaibang bagay
Pagwawangis (metaphor) - naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito ay tiyakang naghahambing.
Pagmamalabis ( hyperbole) - lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao bagay o pangyayari
Pagbibigay katauhan (personification) - pagbibigay katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay
Pagpapalit saklaw (synecdoche) - pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan
Pagtawag (apostrophe) - ito naman ay ang tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay o malayo o wala naman
Pag-uyam (irony) ito ay isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaligtaran naman ang kahulugan