Naglalayong mapabuti ng isang tao sa personal, propesyonal, at sosyal na aspekto.
Nagbibigay-daan sa mas maligaya at mas makabuluhang pamumuhay sa lipunan.
Ang talentoattalino ay may kinalaman sa genetics o mga pambihirang katangiang minana sa magulang o talagang taglay na natin bago pa tayo isinilang.
Pagkahilig naman ay maaaring mapukaw dahil may kaugnayan ito sa likas na kakayahang taglay natin o maaaring impluwensiya ng ibang tao o ng ating karanasan.
MULTIPLE INTELLIGENCES (HowardGardner - 1983)
Ito ay nagbibigay-daan sa panibagong perspektibo na kakaiba sa tradisyonal na kahulugan ng katalinuhan.
Ang dapat na alamin o tanungin ay "Ano ang Iyong Talino", hindi ang "Gaano Ka Katalino" dahil hindi nagsusukat o walang halaga ang malaman kung ilan ang IQ ng isang tao.
Visual / Spatial - mabilis matututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya; sining, imprastaktura, at inhinyero.
Verbal / Linguistic - Ito ang talino sa pagbigkas at pagsukat ng salita; pagsulat, abogasya, pamamahayag (Journalism), politika, pagtula, at pagtuturo.
Bodily-Kinesthetic - Ang taong may ganitong talino ay matututo sa pamamagitan ng mga kongkretongkaranasan o interaksyon sa kapaligiran; pagsasayaw, isports, pagiging musikero, at pag-artista.
Mathematical/Logical - Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutasng suliranin; mathematician, chess player, at computer programming.
Musical / Rhythmic - Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pagulit-ulit, ritmo o musika; Musician, Kompositor, at Disk Jockey.
Intrapersonal - Sa talinong ito, natututo ang to sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban; manunulat ng mga nobela, at negosyante.
Interpersonal - Ito ang talino sa interaksyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ay kakayahan na makipagtulungan at makilusan sa isang pangkat; kalakalan, politika, pamamahala, agrikultura, edukasyon, at social worker.
Naturalistic - Ito ang talino sa pag-uuri, pagpangkat, at pagbabagdan. madali niyang makilala ang kaibahan sa kahulugan; Environmentalist, Magsasaka o Botanist
Existentialist - Ito ang talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanangpag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan; Philosopher, Theorist, religious life (pari, madre, pastor, atbp.)