Espanyol - tumutukoy sa mga tao mula sa Spain o mga bagay na may kaugnayan sa kanilang kultura, wika, at pananakop sa Puilipinas noong 16th hanggang 19th siglo.
Panitikan - Koleksyon ng mga nakasulat p sinasalitang akda na nagpapahayag ng damdamin, ideya, at kultura ng isang tao o lipunan.
Pasyon - Isang uri ng panitikang Pilipino noong panahon ng Espanyol na naglalaman ng kuwento ng paghihirap, pagkamatay, at muling pagkabuhay ni Hesukristo, karaniwang binabasa o inaawit tuwing Semana Santa.
Dasal - Isang anyo ng panalangin o komunikasyon sa Diyos na nagpapakita ng pananampalataya, pasasalamat, o hiling. Madalas itong ginagamit noong panahon ng Espanyol bilang bahagi ng Kristiyanisasyon.
Nagsimula ang ugnayang Pilipino-Espanyol noong 1521 sa pagdating ni Ferdinand Magellan at pormal na pananakop noong 1565 sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi.
Malaki ang impluwensiya ng kultura ng Espanyol sa panitikang Pilipino, lalo na sa pagpapakilala ng relihiyong Katoliko at alpabetong Latin (Abecedario).
Ang mga akdang panrelihiyon tulad ng DoctrinaChristiana at dulang Moros y Cristianos ay naging mahalagang bahagi ng panitikan.
Sa larangan ng musika at tula, sumikat ang Kundiman at Harana na naglalaman ng damdaming makabayan at romantiko.
Ang mga obra nina Francisco Balagtas (Florante at Laura) at Jose Rizal (Noli Me Tangere at El Filibusterismo)) ay nagbigay-diin sa pagmamahal sa bayan at pagtuligsa sa kolonyal na sistema.
Noong panahon ng pananakop ng Espanyol, karaniwang tema ng mga akda ang tunggalian ng Kasamaan at Kabutihan. Pinaniniwalaang ang panahon bago dumating ang mga mananakop ay panahon ng Kasamaan, at ang kanilang pagdating ay panahon ng Kabutihan.
Maraming akda ang lumabas upang palaganapin ang bokabularyong panrelihiyon tulad ng Pasyon. Ang pasyon ay aklat na naglalahad ng buhay, pagpapakasakit, kamatayan, at muling pagkabuhay ni Kristo. Binabasa at inaawit ito tuwing Mahal na Araw.
Ang unang pasyong Tagalog ay ang Mahal na Pasion ni Jesu Christong Panginoon Natin ni GasparAquinodeBelen.