Akdang Panrelihiyon

Cards (14)

  • Panunuluyan - Ito ay dulang tinatanghal sa lansangan. Paghahanap ito ng matutuluyan nina Maria at Joseph sa Bethlehem.
  • Dalit (Flores De Mayo) - Ito ay pista ng mga bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Pilipino sa buong buwan ng Mayo.
  • Santa Cruzan - Isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng Flores de Mayo. Ilinalarawan nito ang paghahanap sa Banal na Krus ni Reyna Elena, ang Ina ni Constantino.
  • Senakulo - Tradisyonal na isinasadula ng mga Pilipino tuwing nalalapit ang Mahal na Araw. Ang dulang ito ay hinggil sa buhay at kamatayan ng Poong Hesukristo. Madalas na ito ay ginaganap sa lansangan o sa bakuran ng simbahan.
  • Salubong - tumutukoy sa muling pagkikita ni Birhen Maria at ni Hesukristo. Tradisyonal itong isinasagawa ng mga Pilipino tuwing araw ng pagkabuhay. May mga anghel na umaawit at mga papuring awitin na sinasambit.
  • Tibag - Ito ay pagtatangahl kung buwan ng Mayo, tungkol ito sa paghahanap ni Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo.
  • Komedya o Moro-Moro - Ito ay isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon. Karaniwang itinatangahal ito tuwing araw ng pista upang magbigay-aliw.
  • Karilyo - Ito ay pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
  • Sarsuwela - Ito ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong yugto, at unauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam, atbp.
  • Dung-Aw - Ito ay sinaunang tula at tradisyon ng Ilokano. Panaghoy na awitin na naulila sa kanilang mahal sa buhay na namatay.
  • Karagatan - Nanggaling sa alamat ng prinsesang nahulog ang singsing sa karagatan, upang mahanap ito, nangako siyang papakasalan niya ang binatang makakakuha nito.
  • Duplo - Ito ay larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay. Isinasagawa sa ika-siyam na araw ng pagkamatay.
  • Saynete - Ito ay itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon ng pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.
  • Pangangaluluwa - kilala bilang todos los santos. Isang paraan ng pagbibigay-pugay sa mga mahal sa buhay na namayapa na. Ang mga kabataan ay pangkat-pangkat na nagbabahay-bahay sa pag-awit hinggil sa mga karaingan ng kaluluwa ng mga namatay.