Ang tula ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng buhay hinahango sa guni-guni pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang may angking kariktan o aliw-iw.
Tugma - ang pare-pareho oh halos magkakasing tunog na dulum-patinig ng bawat taludtod ng tula .
Tugmang patinig - mga salitang nagtatapos sa iisang patinig na may pare-pareho ring bigkas na maaaring mabilis o malumanay at malumi o maragsa.
Tugmang katinig - mga salitang nagtatapos sa mga katinig.
Sukat - ito ay isa pang mahalagang elemento ng tula ito ang bilang ng patnig sa bawat taludtod ng saknong
Saknong - ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula.
Larawang-diwa - ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Simbolismo - ito ang mga simbolo o mga bagay na ginagamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensyang taglay ng tula.
Kariktan - ayon kay julian cruz palmaceda maaaring bigasin ang isang hanay-hanay ng mga talatang tugma ang mga dulo sukat sukat ang mga bilang ng pantig ngunit di pa rin matatawag na tula kung hindi nagtatagplay ng _.