L1 | MAPANURING PAGBASA

Cards (27)

  • PAGBASA
    • proseso ng pag – aayos, pagkuha, at pag – unawa ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin upang maunawaan.
  • 4 NA MAKRONG KASANAYAN
    1. PAKIKINIG
    2. PAGBASA
    3. PAGSASALITA
    4. PAGSULAT
  • INTENSIBONG PAGBASA
    • Pagsusuri sa gramatikal, panandang diskurso, at iba pang detalye sa estruktura para maunawaan ang literal na kahulugan, implikasyon, at retorikal na ugnayan ng isang babasahin
  • EKTENSIBONG PAGBASA
    • Makakuha ng pangkalahatang pag – unawa sa maramihang bilang ng teksto
  • 2 URI NG PAGBASA
    1. SCANNING
    2. SKIMMING
  • SCANNING
    • Mabilisang pagbasa
    • Layunin: hanapin ang espesipikong impormasyon
  • SKIMMING
    • Mabilisang pagbasa
    • Layunin: Alamin ang
    • kahulugan ng buong teksto
    • kung paano inorganisa ang mga ideya
    • kabuuang diskurso ng teksto at
    • kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat
  • ANTAS NG PAGBASA
    1. PRIMARYA
    2. MAPAGSIYASAT
    3. ANALITIKAL
    4. SINTOPIKAL
  • PRIMARYA
    • Pinakamababang antas
    • Tiyak na datos
    • Espesipikong impormasyon
    • Petsa , panahon, lugar , tauhan
  • MAPAGSIYASAT
    • Nauunawaan ang kabuoang teksto
    • Nakapagbibigay ng hinuha o impresyon
  • ANALITIKAL
    • Ginagamit ang kritikal na pag – iisip
    • Malalimang maunawaan ang kahulugan ng teksto at pananaw ng manunulat
    • Tinatasa ang katumpakan at kaangkupan ng teksto at katotohanan o opinyon ng nilalaman
  • SINTOPIKAL
    • Koleksyon ng mga paksa
    • Nakabubuo ng perspektiba sa isang tiyak na larangan
    • Itinuturing ang sarili na eksperto
  • KATOTOHANAN
    • Maaaring mapatunayan o mapasubalian
  • OPINYON
    • Nagpapakita ng preperensya o ideya batay sa personal na paniniwala
  • LAYUNIN
    • Gustong iparating at motibo ng manunulat sa teksto
  • PANANAW
    • Preperensiya ng manunulat sa teksto
  • TEKSTONG IMPORMATIBO
    • Anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay impormasyon.
    • Sinasagot ang tanong na: ano, kailan, saan, sino at paano
  • URI NG TEKSTONG IMPORMATIBO
    1. SANHI AT BUNGA
    2. PAGHAHAMBING
    3. PAGBIBIGAY DEPINISYON
    4. PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON
  • SANHI AT BUNGA
    • Pagkakaugnay – ugnay ng mga pangyayari at kung anong kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari
  • PAGHAHAMBING
    • Pagkakaiba at pagkakatulad ng anumang bagay
  • PAGBIBIGAY DEPINISYON
    • Ipinaliliwanag ang kahulugan ng isang salita, termino o konsepto.
    • Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang bagay o sa mas abstraktong mga bagay.
  • PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON
    • Naghahati – hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo para magkaroon ng sistema ang pagtatalakay.
  • 3 KAKAYAHAN NA KAILANGAN HASAIN
    1. Pagpapagana sa imbak ng kaalaman
    2. Pagbuo ng hinuha
    3. Pagkakaroon ng mayamang karanasan
  • MGA PARAAN PARA MAKILALA AGAD ANG PAKSA SA TALATA
    1. . Hanapin ang susing salita ( key word )
    2. Tingnan ang una at huling pangungusap
    3. . Basahin ng makalawang ulit ang at suriin ang pagkakaugnay – ugnay ng mga pangungusap
    4. Alalahanin na ang paksang pangungusap ay ang pinakamahalagang bahagi.
  • BAGO MAGBASA
    • Sinisimulan sa pagsisiyasat para malaman ang tamang estratehiya sa pagbasa batay sa genre ng teksto.
  • HABANG NAGBABASA
    • Sabay sabay pinapagana ng mambabasa ang iba’t ibang mga kasanayan para lubusang maunawaan ang teksto.
  • PAGKATAPOS MAGBASA
    • Maisasagawa ng isang mambabasa ang pagtatasa sa komprehensiyon, pagbubuod, at ebalwasyon