Week 3 at 4

Cards (20)

  • World War 2 - Ito ay digmaan na naganap noong September 1, 1939 at natapos noong September 2, 1945. Itinuturing na pinakamalawak at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Tinatayang 70-85 milyong katao ang namatay.
  • Ano ang mga Dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
    1. Pangangailangang pang-ekonomiya
    2. Ideolohikal na pagtutunggali
    3. Ambisyon sa mga Teritoryo.
  • Alyansa - Ito ay tumutukoy sa kasunduan ng mga bansa o partido upang magtulungan at suportahan ang isa't isa sa pagkamit ng partikular na layunin o interes.
  • Axis - Japan, Germany, Italy
    Allied - United Kingdom, United States, Soviet Union, France, China
  • Dahilan ng Pag-atake ng Imperyong Hapon sa Pearl Harbor:
    • Upang mapigilan ang Amerika sa kaniyang pagpapalawak sa Pasipiko at Timog-Silangang Asya. (Disyembre 7, 1941)
    • Bilang ng nasawing sundalo at sibilyan: 2400 na militar at sibilyan na Amerikano, 129 na hapon
  • Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
    • August 6, 1945 - pinasabog ng Amerika ang siyudad ng Hiroshima gamit ang Atomic Bomb (140,000 ang namatay)
    • August 9 - pinasabog ang siyudad ng Nagasaki. (74,000 ang namatay)
    • August 15 - inanunsiyo ni Emperador Hiroshito ang pagsuko
    • September 2 - pormal na pinirmahan ni Foreign Affairs Minister Mamoru Shigemitsu ang Japanese Instrument of Surrender sa USS Missouri
  • Manuel Acuna Roxas
    • Fifth President of the Philippines
    • Huling pangulo ng Pamahalaang Commonwealth
    • Unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas
    • Ipinanganak noong Enero 1, 1892; namatay noong Abril 15, 1948
    • Ang kaniyang kurso at trabaho ay Abogado
  • Hamon sa Pagkabansa ng Pilipinas
    1. Hamong Pulitikal
    2. Hamong Pang-ekonomiya
    3. Hamong Panlipunan
  • Demokrasya - Ito ay nanggaling sa Griyegong "demos" na ang kahulugan ay "tao" at "kratos" naman na "kapangyarihan".
  • Demokrasyang Elite - tumutukoy sa pagkontrol ng iilang pamilya sa pulitika. Kadalasan sila ay ang mga mayayaman, edukado, at maimpluwensiyang pamilya. Ito ay tinawag ding Oligarkiya.
  • Neokolonyalismo - ito ay tumutukoy sa makabagong pamamaraan o hindi tuwirang pananakop ng malalakas na bansa sa mga mahihinang bansa.
  • Philippine Rehabilitation Act of 1946 o War Damage Act - pagbibigay ng 620 milyong dolyar ng US sa Pilipinas.
    1. Paglalaan ng pondo bilang kabayaran sa pinsala ng digmaan.
    2. Pagbibigay para sa paggawa ng pampublikong imprastraktura.
    3. Pagbibigay ng sobrang kagamitang pangmilitar
  • Philippine Trade Act of 1946 o Bell Trade Act
    1. Malayang makakapasok ang produktong Pilipino sa pamilihan ng Estados Unidos na walang ipapataw na taripa o buwis.
    2. Fixed Exchanged Rate ng palitan ng Piso at Dolyar
  • Parity Rights - karapatan ng mamamayan ng Estados Unidos at korporasyong Amerikano na galugarin ang mga pinagkukunang yaman ng Pilipinas.
  • Military-Based Agreement
    1. Teritoryong kinalalagyan ng base militar ng Amerika sa Pilipinas ay mananatili sa Kontrol ng US
    2. Nalilimitahan ang hurisdiksiyon ng Pilipinas sa seguridad ng mga base militar ng US sa Pilipinas.
  • Pag-alis ng Partidong Democratic Alliance sa kongreso.
  • Katiwalian - Tumutukoy sa isang pamamaraan ng hindi makatarungang gawain lalo na sa pamamahala, negosyo, o anumang organisasyon.
  • Katiwalian sa Pamahalaan - Surplus War Property Scandal
  • Hamong Panlipunan ng Pilipinas
    • 80% ng mga silid-aralan (school building, laboratory equipments, libro at furnitures) ay nasira o nawasak.
    • Nagpatuloy ang pag-aalsa ng mga Hukbalahap sa Panahon ni Roxas
    • Kahirapan ay pumalo sa 27.6 milyon; nagutom ay 12.2 milyon
    • Manila at ibang mga siyudad ay naging talamak ang holdap sa mga banko, kidnapping at pagnanakaw.
  • Hamong Pang-ekonomiya ng Pilipinas
    • Transportasyon ay nahinto dahil sa pagkasira ng daan at mga tulay
    • Produksiyon ng palay, asukal, niyog, langis ng niyog, abaca, tabako, ginto at manganese ay nahinto
    • Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho