QUIZ 1

Cards (83)

  • Tumutukoy sa mga akdang pampanitikan na isinulat sa kasalukuyang panahon o sa mga nakalipas na dekada?
    Kontemporaryong panitikan
  • Ano ang mga katangian ng kontemporaryong panitikan?
    1. Makabago at multidisiplinaryo
    2. Pagsalungat sa tradisyon
    3. Pagtalakay sa kontemporaryong isyu
    4. Paggamit ng wika at estilo ng kasalukuyan
  • Isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas. Kadalasan itong inilalathala ng araw-araw o lingguhan?
    Pahayagan, diyaryo, o peryodiko
  • Ano ang dalawang klase ng pahayagan?
    Broadsheet at tabloid
  • Ano ang karaniwang sukat ng tabloid?
    11 hanggang 17 na pulgada
  • Ilan ang columns ng isang tabloid?
    Hindi hihigit sa lima
  • Ano ang mga halimbawa ng tabloid?
    1. Abante
    2. Bulgar
    3. Pilipino Star Ngayon
    4. People's Journal
  • Ano ang pinakakaraniwang format ng pahayagan?
    Broadsheet
  • Alin ang mas maliit, broadsheets o tabloids?
    Tabloid
  • Ano ang karaniwang sukat ng broadsheet?
    15 hanggang 20 pulgada
  • Ilang column ang bumubuo sa isang broadsheet na pahayagan?
    Anim na column
  • Ano ang mga halimbawa ng broadsheet?
    1. Manila Bulletin
    2. Philippine Daily Inquirer
    3. The Manila Times
  • Makikita rito ang pangalan ng pahayagan, ating mga pangunahin o
    mahahalagang balita?
    Pangmukhang pahina
  • Mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa iba’t-ibang bahagi ng mundo?
    Balitang pandaigdig
  • Sa pahinang ito mababasa ang kuru-kuro o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu?
    Editoryal
  • Mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa?
    Balitang panlalawigan
  • Dito mababasa ang mga balita tungkol sa kalakalan, industriya, at komersyo?
    Balitang komersyo
  • Makikita rito ang mga anunsyo para sa iba’t-ibang uri ng hanap buhay, bahay, lupa, sasakyan, at iba pang kagamitang ipinagbibili?
    Anunsyo klasipikado
  • Ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay na. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay?
    Obitwaryo
  • Ang pahina sa mga balita tungkol sa artista, pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Naririto rin ang mga krosword, komiks, at horoscope?
    Libangan
  • Naglalaman ito ng mga balitang pampalakasan?
    Isports
  • Mababasa sa pahinang ito ang mga artikulong may kinalaman sa
    pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, at iba pang aspeto ng
    buhay sa lipunan?
    Lifestyle
  • Isang grapikong midyum na kung saan ang mga salita at larawan ang ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento?
    Komiks
  • Kailan nagsimula ang kasaysayan ng Pilipinas sa komiks?
    Noong 1920s
  • Sino ang unang lumikha ng simpleng komiks at kailan niya ginawa ito?
    Si Jose Rizal noong 1880s, tulad ng Manggagaw at Dapitan.
  • Kailan nagsimulang umusbong ang mga modernong komiks sa Pilipinas?
    Noong 1970
  • Kailan binuo ni Jose Rizal ang komiks na Pagong at ang Matsing?
    Noong 1889
  • Saan inilimbag ni Rizal ang Pagong at ang Matsing?
    Sa magasing Trubner's Record ng mga Inglatera
  • Saan makikita ang pangalan ng komiks?
    Pamagat
  • Bahagi ng komiks na naglalaman ng isang tagpo sa kuwento?
    Kuwadro
  • Ipinapakita dito ang iginuhit na larawan ng mga tauhan sa kuwento?
    Larawang guhit
  • Naglalaman ito ng maikling salaysay tungkol sa tagpo ng kuwento?
    Kahon ng salaysay
  • Dito isinusulat ang sinasabi ng mga tauhan sa kuwento. May iba't-ibang anyo ito batay sa inilalarawan ng dihubista?
    Lobo ng usapan
  • Ito ang pinakakaraniwang uri ng lobo. Karaniwan itong hugis-itlog na may buntot na nakaturo sa karakter na nagsasalita?
    Standard speech bubble
  • Ito ay isang lobo na hugis ulap. Ipinapahiwatig nito na ang karakter ay nag-iisip?
    Thought bubble
  • Ang bubble na ito ay may tulis-tulis na mga gilid?
    Shout bubble
  • Ang bubble na ito ay may tuldok-tuldok na hangganan ng linya?
    Whisper bubble
  • Ito ay mga rectangular na bubble na may iba't-ibang hugis at laki?
    Sound effect bubble
  • Isang publikasyong may pabalat na papel na regular na inilalabas. Ito ay may tiyak na target na mambabasa?
    Magasin
  • Ano ang unang magasin na inilathala sa Pilipinas?
    Lipang Kalabaw