Aralin 2 - Urbana at Feliza

Cards (7)

  • Ang Urbana at Feliza ay isang halaw mula sa nobelang Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si Urbana at ni Feliza ni Presbitero D. Modesto de Castro.
  • Ang mga mahahalagang aral na matutunan sa akda ay;
    • Pakikipagkapuwa-tao
    • Pagpasok sa Paaralan.
    • Pakikipagkaibigan.
    • Kahinihinan ng Babae.
    • Kalinisan.
    • Pag-iingat ng ina sa anak na Babae.
  • Mahalaga ang naging impluwensiya ng akda na ito sa kaugalian ng mga Pilipino hanggang sa kasalukuyan.
  • Ano ang Kalagayang Panlipunan ng Pilipinas sa Panahong Isinulat ni M. de Castro ang akda?
    Naisulat noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, kung saan namamayagpag sa lipunan ang sinasabing middle class family, at nabubuo ang ilang mga organisasyon na tila hindi nakabubuti at akma sa isang maayos na lipunan.
  • Paano ipinapahayag sa akda ang mensaheng nais ipabatid nito sa mga mambabasa?
    Sa pamamagitan ng mga inilahad sa kunyaring pagsusulatan ng magkapatid sa kuwento - naglalaman ng mga payo kung ano ang nararapat at mabuting asal ng isang tao.
  • Gaano pinapahalagahan ng may-akda ang kagandahang-asal na dapat mabatid ng mga Pilipino?
    Naglalayong mabago ang kinasanayang pag-uugali o gawi ng mga Pilipino ayon sa turo ng Bibliya na naging batayan ng pagiging mabuti ng isang tao.
  • Ang magandang asal ay nagdudulot ng masaya at kaaya-ayang pamayanan, katahimikan, kaunlaran, at maagang pamumuhay.