Mga Kilos ng Pagpapatawad at Pakikipagsundo sa Kapuwa

Cards (7)

  • Ang pagkakamali ng ibang tao, sinasadya man o hindi, ang mga masasakit na salita, panlilinlang, pang-aabuso, at iba pang kilos ay nakakasakit o nakakasugat sa damdamin.
  • Ang mga sugat na ito ay maaaring mag-iwan ng pangmatagalang sama ng loob, pait, at galit - kung minsan ay poot.
  • Kung panghahawakan ang ganitong uri ng sakit ng damdamin, malaki ang magiging epekto nito hindi lang sa katawan at isipan kundi maging sa ispiritwal na aspekto ng pagkakatao.
  • Ang pagpapatawad o forgiveness ay isang pasya na may kamalayan upang ilabas ang mga damdamin ng hinanakit o pagnanais na maghiganti laban sa taong nanakit sa iyo.
  • Ang pagpapatawad ay kadalasang ibinibigay sa isang taong ayaw patawarin o hindi karapat-dapat nang kapatawaran.
  • Desisyonal na Pagpapatawad
    • Ito ang pagbuo ng desisyon na huwag panghawakan ang pagkakasala laban sa isang tao, at upang ibalik ang relasyon bago naganap ang pagkakasala. Ang pagpapatawad na ito ay madaling gawin kapag ang mga kaibigan at mahal sa buhay ay nakagagawa ng maliliit na pagkakamali.
  • Emosyonal na Pagpapatawad
    • Ito ay mas mahirao ngunit maaari rin itong maging mas malalim at mas matagal. Ito ay binubuo ng pagbabago ng mga iniisip at nararamdaman sa isang taong nakasakit sa iyo mula sa negatibo (galit, sama ng loob, mapaghiganti) hanggang sa neutral o maging positibo.