Senakulo - may kinalaman sa pananampalataya. Matutunghayan ang buhay at kamatayan ni Kristo sa krus at kalimitang itinatanghal ito tuwing Mahal na Araw.
Moro-moro - Sa mga kapistahan naman kalimitang ipinapakita, nagtatampok ng tagumpay ng mga Kristiyano na lupigin ang mga Moro.
FloresdeMayo - ginagawa upang dakilain ang Birheng Maria sa buong buwan ng Mayo sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak at prusisyon.
SantaCruzan - Ginagawa sa huling araw ng Mayo bilang paggunita sa pagkilala ni Constantine the Great sa Kristiyanismo bilang state religion ng RomanEmpire noong ika-300 AD. Sa kasalukuyan ay nagiging animo beauty pageant ito na kinatatampukan ng pagparada ng mga naggagandahang dalaga at nagkikisigang binata.
Tibag - ginagawa na sa Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Rizal, at Bicol na ang paksa ay ang paghahanap ni Santa Elena sa mahal na krus na pinagpakuan at kinamatayan ni Kristo.
Sarsuwela - Bahagi rin ng sinaunang Teatro noong panahon ng mga Kastila, kinatatampukan ng mga dulang may salitan ng pag-awit, drama, o katatawanan.
Korido - Sa panulaan ay lumaganap noong ika-17 siglo ang Koridong Ibong Adarna na tumatalakay sa paghahanap ni DonJuan sa Ibong Adarna na ang awit ay lunas sa karamdaman ng ama niyang si Haring Fernando. Ang estruktura ng Korido ay tulang may tigwawalongpantig bawat taludtod. Ang salitang Korido ay galing sa salitang Mehikanong 'corridor' na nangangahulugang "kasalukuyang pangyayari", ang Mehikanong salitang 'corridor' ay mula naman sa Kastilang "occurido".
Ito ay isang anyo ng tulang romansa na naglalarawan ng pakikipagsapalaran sa buhay ng mga kababalaghan at pantasya, nagpapamalas ng kagitingan, kabayanihan, at pagkamaginoo. (Ortiz, 2017.)
Awit - Isa pang anyo ng panulaan, binubuo naman ng tiglalabindalawang pantig bawat taludtod.
FloranteatLaura - Ang pinakasikat na awit na nalathala noong 1838, sinulat ni Francisco Balagtas, ang kinikilalang Ama ng PanulaangTagalog. Kung tutuusin ay tulad ito ng Moro-moro na nagpapakita ng labanan ng Kristiyanong si Florante laban sa Muslim na si Aladin. Sa kabila ng pagkakaiba ng pananampalataya ay magiging magkaibigan sina Florante at Aladin ganoon din ang mga kasintahan nilang sina Laura at Flerida.
Halos lahat ng panitikan sa panahon ng mga Kastila ay nakatuon sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. Ilan pa sa mga akdang ito ay propaganda ng mgakatoliko upang ipakita at ipaunawa ang kapangyarihan at superyoridad ng pananampalatayang Kristiyano. Nagtagumpay ang mga Kastila sa kanilang mithiin, dumami ang naging katoliko sa panahong iyon, napalitan din ang tema ng panitikan na umiiral sa ating bayan.