WEEK 5 to 6

Cards (23)

  • MGA PAG-AAKLAS LABAN SA KASTILA
    • Mahigit 200 pag-aaklas mula 1565 hanggang 1898.
    • Karamihan ay hindi nagtagumpay dahil sa kakulangan ng pagkakaisa ng mga ninuno.
  • PAGKAKATATAG NG KATIPUNAN
    • Itinatag noong Hulyo 7, 1892 nina Andres Bonifacio, Deodato Arellano, Ladislao Diwa, Valentin Diaz at iba pa.
  • PAGBITAY SA GOMBURZA AT ANG PAGHAHANGAD NG KALAYAAN
    • Pebrero 17, 1872 - Pagbitay sa mga paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.
    • Tema ng mga akdang pampanitikan - Paghahangad ng kalayaan at pantay na karapatan.
    • Ang kanilang layunin para sa pantay na karapatan ng mga paring Pilipino at Kastila ay itinuring na pag-aaklas.
  • Ang Lupang Hinirang ay opisyal na pambansang awit ng Pilipinas, kaya't ang pag-awit nito ay may kaakibat na tuntunin:
    • Ayon sa Republic Act No. 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines, dapat itong awitin sa orihinal na liriko at tono (march tempo) na naaayon sa opisyal na bersiyon ng kompositor na si Julian Felipe.
  • MUSIKA NG REBOLUSYONG PILIPINO
    Dr. Antonio Hila - Kilalang musikero, historyador, at kritiko; nagsaliksik tungkol sa kasaysayan ng musika ng Pilipinas sa pananakop ng Kastila at Amerikano.
  • PAPEL NG MUSIKA SA REBOLUSYON
    • Nagbibigay-inspirasyon sa rebolusyonaryo.
    • Nagpapakita ng damdamin at diwa ng panahon.
  • MGA KOMPOSISYON NI JULIO NAKPIL
    • Pamitinan - Para sa mga rebelde.
    • Biac na Bato - Paso doble.
    • Marangal na Dalit ng Katagalugan - Sinadya bilang Pambansang Awit ng Pilipinas.
  • IBA PANG AWIT NG REBOLUSYON
    • Alerta Katipunan at Alerta Voluntario - Awit na nag-aanyaya sa mga rebolusyonaryo na maging handa at patuloy na lumaban.
    • Tinutukoy ang mga sakripisyo at hirap na dinanas ng mga rebolusyonaryo sa kanilang laban.
  • Jocelynang Baliwag - Isang kundiman na nagpapasilakbo ng damdamin at nagpapaalala sa mga rebolusyonaryo ng kanilang misyon upang ipaglaban ang bayan at sariling lahi.
    Hindi batid kung sino ang sumulat ng awit, ngunit ang liriko ay may metaporang pag-ibig sa bayan.
  • Alerta Katipunan - Isang makabayang awit na nagpapakita ng paghihirap ng mga rebolusyonaryo at kanilang tapang sa kabila ng mga sakripisyo. Pinapalakas ang loob ng mga Katipunero na magpatuloy sa pakikibaka para sa kalayaan.
  • MGA MAKABAYANG AWIT NA NANATILI HANGGANG NGAYON
    • Ang Jocelynang Baliwag ay muling inawit ni Susan Fernandez Magno at ang Alerta Katipunan ay inawit ng grupong Inang Laya.
    • Bayan Ko ay patuloy na inaawit sa mga kilos-protesta mula noong Batas Militar ni Marcos hanggang sa kasalukuyan.
  • Sino Si EMILIO JACINTO?

    Kilala bilang Utak ng Katipunan dahil sa kaniyang mahahalagang kontribusyon sa ideolohiya at prinsipiyo ng rebolusyonaryong kilusan laban sa mga Kastila.
  • Siya ay isang manunulat, makata, at tagapayo ni Andres Bonifacio. Nagsulat siya ng mga mahahalagang akda tulad ng Kartilya ng Katipunan, na nagsilbing gabay sa mga kasapi ng Katipunan, at ang sanaysay na Liwanag at Dilim, na naglalaman ng mga aral sa kabayanihan at pagkakapantay-pantay.
  • Bagamat bata pa nang pumanaw sa edad na 24, naging mahalaga ang kaniyang ambag sa kalayaan ng Pilipinas, at hanggang ngayon ay kinikilala ang kaniyang tapang at talino bilang inspirasyon ng mga makabayan.
  • PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA
    • Pagpapalaganap ng Relihiyon sa Panitikan - Ang karamihan ng akda noong panahon ng Kastila ay nakatuon sa Kristiyanismo.
  • Senakulo - Dulang tumatalakay sa buhay at kamatayan ni Kristo, karaniwang itinatanghal tuwing Mahal na Araw.
    Moro-moro - Nagpapakita ng tagumpay ng Kristiyano laban sa Moro: isang propaganda ng Simbahang Katoliko.
  • Tibag - Dula tungkol sa paghahanap ni Santa Elena sa Krus ni Kristo, ginagawa sa ilang probinsiya tulad ng Nueva Ecija at Bataan.
    • Paggunita sa Mahal na Birhen at Kristiyanismo
    Flores De Mayo - Pag-alalay ng bulaklak at prusisyon para sa Birheng Maria tuwing Mayo.
    Santacruzan - Pagparada bilang paggunita sa pagkilala ni Constantine the Great sa Kristiyanismo noong ika-300 AD. (Nagiging animo'y beauty pageant sa kasalukuyan.)
    • Sinaunang Teatro
    Sarsuwela - Dula na may salitan ng awit, drama, at katatawanan.
    • Panulaan
    Korido - Tulang may tigwawalong pantig bawat taludtod. Ang salitang Korido ay galing sa salitang Mehikanong "corridor" na nangangahulugang "kasalukuyang pangyayari".
  • Ibong Adarna - Tumatalakay sa paghahanap ni Don Juan sa mahiwagang ibon na may awit na nakagagaling ng karamdaman.
    Awit - tulang may tiglalabindalawang pantig bawat taludtod; ang pinasikat na awit na nalathala noong 1838 ay ang Florante at Laura na sinulat ni Francisco Balagtas, ang kinikilalang Ama ng Panulaang Tagalog.
    • Aral Mula sa Panitikan
    Sumasalamin ang panitikan sa kulturang umiiral noong panahon ng Kastila:
    • Ang Senakulo at Moro-moro ay nagpapalaganap ng Kristiyanismo.
  • Ang Florante at Laura ay nagpapakita ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba. Pinapahalagahan ang kabayanihan, kagitingan, at pananamplataya sa Diyos.