Ang simuno ay ang bahagi ng pangungusap na tinutukoy o pinaguusapan. Ito ang "paksa" ng pangungusap, kaya't ito ang bagay o taong gumagawa ng kilos, o kaya ang taong binibigyang impormasyon.
Ang simuno ang bahaging pinaguusapan sa pangungusap. Karaniwan, ito ang tao, bagay, lugar, o pangyayari na binibigyang-diin sa pangungusap.
Ang panaguri o predicate ay ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa simuno. Ito ang nagpapahayag ng kilos na ginagawa ng simuno o naglalarawan ng estado nito. Sa madaling salita. ang panaguri ay nagsasabi ng ginagawa, nangyayari, o kalagayan ng simuno.
Ang panaguri ang bahagi ng pangungusapnna nagsasabi tungkol sa simuno. Ipinapahayag nito ang kilos, estado, o katangian ng simuno.
Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan sa komunikasyon. Upang mas maging epektibo ang paggamit ng wika, mahalaga na malaman kung paano magbigay ng kahulugan sa mga salitang pamilyar at hindi pamilyar.
Ang pamilyar na salita ay ang mga salitang kadalasangginagamit araw-araw sa buhay at madaling maintindihan.
Ang di pamilyar na salita ay ang mga salitang hindikadalasangginagamit o hindi agad nauunawaan ng mga tao.