Sino ba ang gumawa ng ng teoryang multiple intelligences
Howard Gardner
Ang taong mabilis matututo sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya. Nakagagawa siya nang mahusay na paglalarawan ng mga ideya na kailangan din niyang makita ang paglalarawan upang maunawaan ito.
Visual/ Spatial
Ito ang talino sa pagbigkas o pagsulat ng salita. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbasa, pagsulat, pagkukuwento, at pagmememorya ng mga salita at mahahalagang petsa.
Verbal/Linguistic
Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang katawan, tulad halimbawa sa pagsasayaw o paglalaro.
Bodily/ Kinesthetic
Taglay ng taong may talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw, at numero.
Mathematical/ Logical
Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan.
Musical/ Rhythmic
natututo ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay talino na kaugnay ng kakayahan na magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert.
Intrapersonal
Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong may mataas na interpersonal intelligence ay kadalasang bukas sa kaniyang pakikipagkapuwa o extrovert.
Interpersonal
Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat, at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan. Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan.
Naturalist
Ito ay talino sa pagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Ano ang papel na gagampanan ko sa mundo?” “Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?”
Existential
Sino ba ang gumawa ng teoryang iba't ibang hilig
John Holland
Ang taong nasa ganitong interes ay mas nasisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng opinyon. Ang mga taong realistic ay matapang at praktikal, at mahilig sa mga gawaing outdoor.
Realistic
Ang mga trabahong may mataas na impluwensiya dito ay nakatuon sa mga gawaing pang-agham. Ang mga taong nasa ganitong interes ay mas gustong magtrabaho nang mag-isa kaysa gumawa kasama ang iba.
Investigative
Ang mga taong may mataas na interes dito ay mailalarawan bilang malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon, at may malawak na isipan.
Artistic
Ang mga nasa ganitong grupo ay kakikitaan ng pagiging palakaibigan, popular, at responsable. Gusto nila ang interaksiyon at pinaliligiran ng mga tao.
Social
Likas sa mga taong nasa ganitong grupo ang pagiging mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals.
Enterprising
Ang mga grupo o pangkat ng mga taong may mataas na interes dito ay naghahanap ng mga panuntunan at direksiyon; kumikilos sila nang ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila.
Conventional
Ito ang sukatan ng antas ng pang-unawa at kakayahan ng isang tao na kilalanin at malutas ang problema, magsaulo ng mga bagay, at maalala ang mga aralin.
Intelligence Quotient (IQ)
Ang sukatan ng emosyonal na katalinuhan, kamalayan sa sarili, at emosyonal na pagpipigil sa sarili
Emotional Quotient (EQ)
Ang kakayahan ng tao na harapin at malampasan ang mga mahirap o mapaghamong situwasyon
Adversity Quotient (AQ)
Ito ang sukatan ng iyong kakayahang bumuo ng isang pangkat ng mga kaibigan at mapanatili ito sa loob ng mahabang panahon
Social Quotient (SQ)
Walang Pagtanggap ang kahulugan ng "daan" bilang isang puso na hindi tumatanggap ng salita ng Diyos. Ang binhi ay hindi tumutubo dahil sa kawalan ng lupa.
Ang Daan (The Path)
Mabilis na Pagsuko ang simbolo ng mabatong lupa bilang isang puso na tumatanggap ngunit mabilis sumuko sa mga pagsubok. Ang binhi ay tumutubo ngunit namamatay dahil sa kakulangan ng sustansiya.
Ang Mabatong Lupa (TheRockySoil)
Nalulunod sa mga Alalahanin ang masalimuot na lupa bilang isang puso na puno ng mga alalahanin sa mundo. Ang binhi ay tumutubo ngunit nalulunod ng mga damo.
Ang Masalimuot na Lupa (TheWeedySoil)
Pagtanggap at Paglago ang mabuting lupa bilang isang puso na handang tumanggap at magparami ng salita ng Diyos. Ang binhi ay tumutubo at namumunga ng sagana.
Ang Mabuting Lupa (The Good Soil)
Ang pagkilala at pagpapaunlad ng sariling talino at talento ay nagbibigay ng personal na kasiyahan
Personal Fulfillment
Ang proseso ng pagtuklas ng sariling kakayahan at hilig ay nagbibigay-daan sa pagkilala sa sarili
Self-Discovery
Ang pagtuklas ng sariling talino at hilig ay makatutulong sa pagpili ng tamang landas sa karera
Career Path
Ang mga tao na nagtatrabaho sa kanilang mga talino at hilig ay mas produktibo
Productivity
Ang pag-unlad ng sariling kakayahan at hilig ay nagbibigay ng emosyonal na lakas at kumpiyansa
Empowerment
Ang paggamit ng sariling talino at talento para sa ikabubuti ng iba ay nagdadala ng positibong ambag sa lipunan
Kontribusyon sa Lipunan
Mga Uri ng Pagkakaibigan ayon kay Aristotle
Pagkakaibigang Nakabatay sa Pangangailangan
(Friendship of Utility)
Pagkakaibigang Nakabatay sa Pansariling Kasiyahan (Friendship of Pleasure)
Pagkakaibigan na Nakabatay sa Kabutihan
(Friendship of the Good)
Ito ay nakabatay sa kapakinabangan na maaaring makuha mula sa bawat isa, tulad ng sa trabaho o paaralan
Pagkakaibigang Nakabatay sa Pangangailangan
(Friendship of Utility)
Ito ay nakabatay sa kasiyahan na nadarama kapag magkasama, tulad ng sa mga paboritong gawain o hilig
Pagkakaibigang Nakabatay sa Pansariling Kasiyahan (Friendship of Pleasure)
Ang pinakamataas na uri ng pagkakaibigan ayon kay Aristotle ay nakabatay sa pagpapahalaga sa kabutihan at moral na pag-unlad ng isa't isa
Pagkakaibigan na Nakabatay sa Kabutihan
(Friendship of the Good)
Ano ang pamagat ng akda ni James sa Savary noong 1976?