PANITIKAN AT PAGSUSURI

Cards (38)

  • PANITIKAN - Bro. Azarias (Pilisopiya ng Literatura)

    pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, pamumuhay, lipunan, at sa pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha.
  • PANITIKAN - Jose Villa Panganiban 

    Paraan ng pagpapahayag na iniaayos sa iba’t ibang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa na nababalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba
  • PANITIKAN - Miguel Bernard, S.J.

    Kaisipan at pagpapahayag; di - malilimot na kaisipan sa di- malilimot na pagpapahayag.
  • PANITIKAN - Luz de Concha at Lamberto Ma. Gabriel

    Salamin ng lahi, kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin, kaisipan, at pangarap ng isang lahi na ipinapahayag gamit ang mga piling salita sa isang maganda ay masining na paraan, nakasulat man o hindi.
  • Sining
    galing sa salitang Latin Katumbas ng Kakayahan o kasanayan
  • Uri ng Panitikan
    batay sa paraan ng pagsasalin
    1. pasulat
    2. pasalita
    batay sa anyo
    1. patula
    2. tuluyan
  • BATAY SA ANYO - PATULA
    nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maanyo o masining na salita sa mga taludtod/hanay o linya na may sukat at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong
  • BATAY SA ANYO- TULUYAN O PROSA
    ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap. Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng mgay akda.
  • Sesura
    hati sa pagitan ng dalawa o higit pang pangkat ng mga pantig sa isang taludto.
  • MGA AKDANG TULUYAN
    • Nobela
    • maikling kwento
    • dula
    • alamat
    • pabula
    • parabula
    • Anekdota
    • Sanaysay
    • talambuhay
    • balita
    • talumpati
  • Nobela
    mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na nagaganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.
  • Maikling kwento
    salaysay ng mahahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon.
  • Dula
    patinikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan. Nahahati sa mga yugto at bawat yugto ay nahahati sa mga tagpo.
  • Alamat
    salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay. Karaniwang hubad sa katotohanan sa layunin ng ating mga ninuno na maipaliwanag ang pinanggalingan ng mga bagay-bagay sa paligid
  • pabula
    salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita na tila ba mga tunay na mga tao.
  • parabula
     kwentong hinango sa Bibliya o Banal na Kasulatan
  • Anekdota
    maiikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay aral sa mga mambabasa
  • Sanaysay
    pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng isang may akda hinggil sa isang suliranin o paksa.
  • Talambuhay
    kasaysayan ng buhay ng isang tao. Pansarili at talambuhay ng paiba.
  • Balita
    paglalahad ng pang-araw- araw na pangyayari sa Lipunan, pamahalaan, sa lalawigan sa ibayong dagat, maging sa industriya, kalakalan, agham, edukasyon, palakasan at pinilakang-tabing.
  • Talumpati
    isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig
  • Ano ang mga benepisyo ng pag-aaral ng sariling panitikan?
    • Makilala ang sarili bilang Pilipino
    • Mababatid ang minanang yaman at talino
    • Mapahalagahan ang kasaysayan
    • Ipagmalaki ang pagka-Pilipino
    • Mapangalagaan ang yamang pampanitikan
    • Mahuhubog ang panitikan sa hinaharap
    • Malilinang ang pagmamalasakit sa kultura
  • Teoryang klasismo
    Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
  • Teoryang Humanismo
    Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo;  binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.
  • Teoryang Realismo
    Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka-efektibo ng kanyang sinulat.
  • Teoryang Feminismo
    Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan at ipinapahayag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
  • Teoryang Formalismo
    Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo
    at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
  • Teoryang Saykolohikal
    Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.
  • Teoryang Eksistensyalismo
    Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
  • Teoryang Romantisismo
    Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
  • Teoryang Markismo
    Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
  • Teoryang Sosyolohikal
    Ang layunin ng panitikan ay ipapakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
  • Teoryang Moralistiko
    Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
  • Teoryang Bayograpikal
    Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyangpinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo
  • Teoryang Queer
    Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.
  • Teoryang Historikal
    Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
  • Teoryang Kultural
    Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.
  • Teoryang Feminismo-Markismo
    Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.