03_Mga Naitaguyod na Patakarang Pangwika

Cards (19)

  • ARTIKULO 15, SEKSYON 2 AT 3 NG 1973 KONSTITUSYON NG PILIPINAS

    Naipatupad sa panahon ni dating Pang. Ferdinand Marcos ang pormal na hakbangin upang mapaunlad ang wikang Pilipino at maipalaganap ito sa buong bansa.
  • ARTIKULO 15, SEKSYON 2 AT 3 NG 1973 KONSTITUSYON NG PILIPINAS

    Ipinahayag ding Pilipino at Ingles ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas
  • TAGAPAGPAGANAP BLG. 96
    Oktubre 24, 1967
  • TAGAPAGPAGANAP BLG. 96
    Nag-aatas na pangalanan sa wikang Pilipino (ngayon ay wikang Filipino na ang tawag) ang lahat ng tanggapan at gusali ng pamahalaan
  • MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 172
    Marso 27, 1968
  • MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 172
    Nagtatakda ng istriktong pagpapatupad ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96
  • MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 172
    Pagpapagamit ng wikang Pilipino sa mga panunumpa sa katungkulan ng lahat ng opisyal ng pamahalaan.
  • MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 384
    Agosto 17, 1970
  • MEMORANDUM SIRKULAR BLG. 384
    Nag-oobliga sa lahat ng tanggapan ng gobyerno na magtalaga ng kawani na siyang mangangasiwa sa mga opisyal na korespondensiya sa wikang Filipino (Catacataca, n.d.).
  • SALIGANG BATAS 1973
    Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat sa wikang pambansa na tatawaging Filipino
  • KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 335
    Nilagdaan naman ni Pangulong Corazon Aquino noong 25 Agosto 1988
  • KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 335
    Nagaatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, ahensiya, at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.
  • SALIGANG BATAS 1987 NG KONSTITUSYON NG PILIPINAS
    Ang Filipino ay dapat paunlarin at pagyamanin sa kapuluan ng Pilipinas.
  • SALIGANG BATAS 1987 NG KONSTITUSYON NG PILIPINAS
    At upang mapayabong ang pambansang wika, kinakailangan ang isang:
    1. INSTITUSYONG PAMPANANALIKSIK - may mandatong higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika
    2. AHENSYANG PANGWIKA - patuloy na pagyayamanin ang mga katutubong wika na salig sa wikang pambansa na Filipino. 
  • INSTITUSYONG PAMPANANALIKSIK
    may mandatong higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika
  • AHENSYANG PANGWIKA
    patuloy na pagyayamanin ang mga katutubong wika na salig sa wikang pambansa na Filipino.
  • KAPASYAHAN NG KALIPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 16-12 SERYE 2016
    Pinagpasyahan ang paghimok ng KWF sa Korte Suprema ang pagdadagdag ng isang kurso sa pagsasalin sa Kurikulum ng Edukasyon sa Batas upang mapagpunyagian ang isang malawak, komprehensibo, kongkreto at maugnaying plano para sa wikang Filipino bilang wika ng batas at wikang opisyal ng bansa.
  • KAPASYAHAN NG KALIPUNAN NG MGA KOMISYONER BLG. 16-13 SERYE 2016
    Hinimok din ng KWF ang Korte Suprema na magpalabas ng kautusang nagtatakda sa pagsasalin sa wikang Filipino ng mga dokumentong pambatas
  • BATAS REPUBLIKA 7104, SEKSIYON 6. MGA KAPANGYARIHAN AT TUNGKULIN NG KOMISYON
    Kaugnay naman ng batas na ito, lumikha at nagpanatili sa Komisyon sa Wikang Filipino ng isang dibisyon ng pagsasalin na gaganyak sa pagsasalin