Ano ang prinsipyo na makukuha sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Ang paikot na daloy ay nasa ekuilibriyo
Ang gastos sa pagbili ng mga produkto at serbisyo ay dumadaloy mula sa sambahayan patungo sa bahay-kalakal, habang ang kita mula sa suweldo ng produksyon ay dumadaloy mula sa bahay-kalakal pabalik sa sambahayan
Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa paggastos ng salapiyan para sa kanilang mga pangangailangan para sa hinaharap. Ito ay maaaring lagy sa pamilihang pinansyal (bangko, kooperatiba, insurance, pawnshop).
Ang bahay-kalakal naman ay nais na palakihin o palawakin ang kanilang produksyon kaya mangangailangan sila ng karagdagang puhunan.
Ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksyon at paglaki ng pamumuhunan. Para maging matatag ang ekonomiya, kailangan na may ipon ang sambahayan.