Mga Positibong Dulot ng Mabuting Pakikipagkaibigan

Cards (5)

  • Ang pagkakaibigan ay isang makapangyarihang ugnayan na nagbubukas ng pinto sa maraming positibong aspekto ng ating pagkatao, at ito'y ipinakita sa aklat ni Joy Carol (2008) na "The Fabric of Friendship."
    1. Mabuting Pananaw sa Sarili
    2. Kasanayan sa pagiging mabuting tagapakinig
    3. Natutukoy ang tunay na kaibigan
    4. Pagtibayin ang ugnayan sa kabila ng suliranin
    5. Pagbukas sa bagong pananaw
  • Ayon kina Sto. Tomas de Aquino at Aristotle, ang tunay na pagkakaibigan ay batay sa malasakit at katarungan, hindi sa sariling interes. Ito ay isang birtud na nagpapahalaga sa kapuwa at nagdudulot ng malalim na ugnayan.
  • "Interpersonal Neurobiology: Implikasyon ng Mabuting Pakikipagkaibigan sa Utak ng Tao"
    • Si Dr. Dan Siegel, isang eksperto sa kalusugan ng isip, ay nagbuo ng konseptong interpersonal neurobiology (IPNB) upang maunawaan kung paano nag-uugnayan ang ating kaisipan, emosyon, at katawan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba. Inilalarawan nito kung paano umuunlad at gumagana ang utak at katawan sa konteksto ng mga relasyon.
  • Ang Juan 15:12-13 ay nagtuturo ng tunay na pagmamahal sa pagitan ng mga kaibigan, na tulad ng pagmamahal ni Jesus sa atin. Ipinapakita nito na ang pinakamataad na pag-ibig ay ang mag-sakripisyo ng buhay para sa mga kaibigan, tulad ng ginawa ni Jesus para sa ating kaigtasan. Ang mensahe ay tungkol sa pagmamahal na may malasakit at sakripisyo.