Additional Infos

Cards (8)

  • Ano ang tatlong kalikasan ng akademikong pagsulat?
    1. Katotohanan - gumagamit ng kaalaman at metodong makatotohanan.
    2. Ebidensya - gumagamit ng mapagkakatiwalaang ebidensya.
    3. Balanse - walang pagkiling; seryoso at argumento.
  • Ano ang ibig sabihin ng kompleks sa akademikong pagsulat?
    Ang pasulat na wika ay mas komplikado kaysa sa pasalitang wika, may mas mahahabang salita at mas komplikadong gramatika.
  • Bakit mahalaga ang wastong bokabularyo?
    Upang maiwasan ang kalituhan at maling interpretasyon ng mga mambabasa.
  • Ano ang kinakailangan para maging responsable ang manunulat?
    Dapat maging maingat sa paglalahad ng ebidensya at patunay na sumusuporta sa argumento.
  • Ano ang malinaw na layunin?
    Matugunan ang mga tanong kaugnay sa isang paksa; dapat magkaugnay ang layunin at paksa.
  • Ano ang kahalagahan ng malinaw na pananaw?
    Dapat ipakita ng manunulat ang sariling pag-iisip hinggil sa paksang sinulat.
  • Ano ang dapat iwasan sa iskolarling estilo ng pagsulat?
    Iwasan ang pagkakamali sa grammar, ispeling, pagbabantas, at bokabularyo upang ipakita ang kaalaman at pag-iingat.
  • Ano ang layunin ng mapanuri o analitikal na pagsulat?
    Ipaliwanag at suriin ang posibleng sagot sa isang tanong batay sa pamantayan.