ARALIN 17

Cards (22)

  • Ano ang dalawang uri ng tula?
    Malaya at Di-Malaya
  • Anong uri ng tula ang ginagamitan ng lahat ng lahat ng elemento?
    Malayang taludturan
  • Ano ang uri ng tula na gingamit ang mga elemento ng tula maliban sa sukat
    Di-malayang taludturan
  • Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod
    Sukat
  • Ito ang bilang ng taludtod sa bawat saknong na madalas ay may apat na taludtod
    Saknong
  • Sa elementong ito, ang bawat dulo ng taludtod ay magkakasintunog
    Tugma
  • Ito ay ginagamit sa matatalinghagang salita na umaakit sa damdamin ng mga mambabasa o bumibigkas nito
    Kariktan
  • Taglay ng tula ang mga salitang 'di tiyakan tumutukoy sa mga bagay na binabanggit o mga salitang 'di tahasang binibigyan ng kahulugan
    Talinghaga
  • Isang uri ng pagbasa ng tula na may saglit na paghinto sa pagbabasa
    Sesura
  • Ito ay parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kompletong magkaibang literal na kahulugan ng salitang gawa sa matatalinghagang salita.
    Idyomatikong pahayag
  • Ano ang apat na uri ng tula?
    Liriko, Pasalaysay, Padula, Patnigan
  • Ano ang limang halimbawa ng tulang liriko?
    Awit, Oda, Dalit, Elehiya, Soneto
  • Uri ng tula na ipinahahayag ang mga damdamin at saloobnin ng isang makata
    Tulang liriko
  • Ito ay pagpapahayag ng pangyayari sa buhay
    Tulang pasalaysay
  • Ito ay uri ng tula na itinatanghal sa dulaan.
    Tulang padula
  • Ang uring ito ng tula ay isang paligsahan sa pagbigkas na may paksang pinagtatalunan. Ginagamit ito bilang libangan.
    Tulang patnigan
  • Ito ay tulang liriko na tumatalakay sa pag-ibig
    Awit
  • Ito ay tulang liriko na tumatalakay sa paghanga o pagbibigay paranga;
    Oda
  • Ito ay tulang liriko na tumatalakay sa pagpala sa Diyos sa paraang pag-awit
    Dalit
  • Ito ay tulang liriko na tumatalakay sa kamatayan o kalungkutan
    Elehiya
  • Ito ay tulang liriko na binubuo ng 14 taludtod at kailangan ng kuro-kuro
    Soneto
  • Tulang pasalaysay na naglalaman ng mga misteryo at kababalaghan
    Awit at Korido