nagmula sa salitang Griyego na PATRIOS - "of one's father"
pagmamahal at katapatan ng isang INDIBIDWAL sa bansang pinagmulan
katapatan sa BANSA at sa PANGKAT NG TAONG nanirahan dito
Nasyonalismo
paniniwala na ang BANSA AY NAKAHIHIGIT SA IBANG BANSA
paniniwala na ang interes ng sariling bansa ay higit na mahalaga kaysa sa interes ng ibang bansa
sa ASYA, ito ang pagtugon (response/kilos) sa mga hamon (challenges) ng kolonyalismo at imperyalismo
Jingoism
Isang agresibong uri ng nasyonalismo na nagtataguyod ng militarismo at pakikidigma bilang paraan ng pagpapakita ng lakas ng isang bansa
Madalas itong ginagamit upang ipakita ang sobrang paniniwala na ang bansa ay dapat mangibabaw sa iba
Chauvinism
Isang bulag at labis na paniniwala sa pagiging higit ng sariling bansa nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng iba; RACISM, SEXISM, at XENOPHOBIA
Mas emosyonal at irasyonal ito kumpara sa jingoism, dahil maaari itong umabot sa punto na hindi tinatanggap ang anumang puna laban sa sariling bansa o grupo
KONSEPTO NG KASARINLAN/KALAYAAN
kondisyon ng isang estado, bansa, o nasyon pinamamahalaan ang sarili at malaya mula sa anumang impluwensiya o panghihimasok ng ibang bansa
KONSEPTO NG KASARINLAN
Kalayaang Pulitikal
Kalayaang Pang-ekonomiya
Kalayaan Pangkultural
Pansariling Pagpapasiya
Deklarasyon ng Kasarinlan
Kalayaang Pulitikal
kakayahan ng isang nasyon na pamahalaan ang sarili lalo na sa isang demokratikong lipunan
Kalayaang Pang-ekonomiya
kakayahan ng isang nasyon na mapanatili at mapaunlad ang sariling ekonomiya
Kalayaang Pangkultural
kakayahan ng isang nasyon na mapanatili at mapaunlad ang pagkakalinlan (identity), tradisyon, at pagpapahalaga sa isang nasyon
Pansariling Pagpapasiya
karapatang pumili ng kanilang kalagayang pampulitikal, uri ng pamahalaan, na hindi pinanghihimasukan ninuman
Deklarasyon ng Kasarinlan
pormal na dokumento na naghahayag sa dahilan ng isang pangkat ng tao o nasyon sa paghahangad ng kailangan
Pagkabansa
Nasyon + Bansa + (Estadong Nasyon)
Nasyon
pangkat ng mga tao na may iisang KASAYSAYAN, RELIHIYON, KULTURA, TRADISYON, atbp.
Bansa
isang lugar/estado na may SARILING PAMAHALAAN
Estadong Nasyon
isang organisasyong may TIYAK NA HANGGANAN AT GOBYERNO na PINAGBUBUKLOD ang mga tao ng iisang LAHI, RELIHIYON, KASAYSAYAN, o WIKA