Mga kaugnay na pagpapahalaga

Cards (5)

  • Dignidad ng Tao -ang tao ay may dignidad hindi dahil sa kanyang pag-aari, posisyon sa lipunan o mga nakakamit sa buhay, kundi dahil sa kanyang pagkatao. Bukod-tangi sa lahat ng mga nilalang dahil nilikha siya na may isip at kalayaan. May dignidad ang tao dahil may halaga siya.
  • Ano ang isang mahalagang aspeto upang makamit ang Katarungang Panlipunan?
    Katotohanan
  • Pagmamahal- ang katarungan ay walang kinikilingan dahil gabay nito ang diwa ng pagmamahal na siyang likas sa tao. Kung mawawala ang pagmamahal, paano na ang tao? Ano ang mangyari sa katarungan? Ang pagmamahal ay isang aktibong pagkalinga sa kapwa na nagpapaunlad sa kanyang mga kakayahan bilang tao. Ito ay hindi lamang isang simpleng pagiwas na makasakit o makapinsala sa kapwa, kundi ito ay positibong paglapit sa kanya upang samahan at suportahan siya sa pagtubo bilang tao at sa pagpapa-unlad niya ng kanyang mga potensiyal. Ang Pagmamahal ay siyang puso ng pagkakaisa.
  • Pagkakaisa -Makatutulong ang pagtanggap sa katotohanan na tayong mga Pilipino ay sama-samang namumuhay sa iisang bansa lamang. Sa pandaigdigang sitwasyon, makita sana ng lahat ng mga bansa na magkakaiba man ang lahi, lahat ay namumuhay naman sa iisang daigdig. Samakatuwid, kailangan na maging bukas tayo at handang isakripisyo ang ating pansariling adhikain para sa pagkakaisa tungo sa kabutihang panlahat.
  • Kapayapaan -Sa iyong ugnayan sa kapwa at sa kalipunan, makabubuting tahakin mo ang landas ng katarungan at pagmamahal lalo na para sa mga mahirap at mahina tungo sa pagkakaroon ng kapayapaan. Ang pagmamahal ay magbubunga ng kapayapaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan at hindi ng sandatahan. Ang kapayapaan ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng kaguluhan o sa pagkakaroon ng parehong kapangyarihan ng mga bansa. Ang kapayapaan ay ang pagkakaisa sa puso ng mga tao at sa panlipunang kaayusan ng katarungan.