Si FrancescoPetrarch ang “Ama ng Humanismo” at gumawa ng “Songbook” para sa asawa niyang si Laura.
Si Goivanni Boccacio, ang matalik na kaibigan ni Petrarch na gumawa ng “Decameron” na naglalaman ng 100 nakakatuwang salaysay.
Si William Shakespeare ang “Makata ng Makata” na naging “Tanyag na manunulat sa ginintuang panahon ng England sa pamumuno ni Reyna Elizabeth I”
Si Desiderious Erasmus, ang “Prinsipe ng Humanista” na may akda ng “In Praise of Folly” kung saan isinasalaysay ang masasamang gawain ng mga pari.
Si Nicollo Machieveli, ang isang diplomatikong manunulat na may akda ng “The Prince”
Si Miguel De Cervantes, ang may akda ng nobelang “Don Quixote de la Mancha” aklat na kung saan ginagawang katawa-tawa sa kasaysayan ang kabayanihan ng mga kabalyero noong Medieval Period.
Si Michaelangelo Bounarotti, ang pinakasikat na iskultor noong Renaissance at ang unang obra niya ay ang estatwa ni David. Pinakamaganda at pinakabantog niyang likha ang La Pieta, isang estatwa ni Kristo pagkatapos ng kaniyang Krusipiksiyon.
Si Raphael Santi, ang “Ganap na Pintor” o “Perpektong Pintor” at pinakamahusay na pintor noong Renaissance.
Si Nicolas Copernicus, ang gumawa ng Teoryang Heliocentric; “Ang pag-ikot ng daigdig sa aksis nito, kasabay ng ibang planeta at umiikot din ito sa paligid ng araw.”
Si Galileo Galilei ang nag imbento ng Teleskopyo para mapatotohanan ang Teoryang Copernican.
Si Isotta Nogarola ng Verona ang may akda ng “The Dialogue on Adam and Eve”
Si Laura Cereta ang nag sulong ng isang makabuluhang pagtatanggol sa pag-aaral ng humanistiko para sa mga kababaihan.
Si Martin Luther ang ama ng repormasyon.
Ang Indulhensiya ang katawagan sa papel na nagsasaad na ang grasya ng Diyos ay maaaring ipagbili para sa kapatawaran at kaligtasan ng mga tao.
Si Eli Whitney ang nag imbento ng Cotton Gin o malambot na tela.
Si Magellan ang nagpatunay na ang mundo ay bilog.
Ang Panahon ng Enlightenment ay ang panahon kung saan sinikap ng mga pilosopo na isagawa ang mga prinsipyo ng pangangatwiran.
Si Baron De Montesquieu ang nagpauso ng doktrina ng paghihiwalay ng mga sangay ng gobyerno (Executive, Legislative, Judicial) upang mapigil ang pang-aabuso.
Si Jean-Jacques Rousseau ang awtor ng Social Contract (1761) na nagpauso ng limitadong gobyerno at demokrasya. Tinaguriang Ama ng Modernong Demokrasya.
Si Rene Descartes ang nagsulong ng pangangatwirang lohikal (logical reasoning at analytic geometry).
Si Gabriel Fahrenheit ay gumawa ng Mercury, Thermometer, Fahrenheit, at Celcius.
Si Christiaan Huygens ang nagpasimula ng unang relong pendulum (perpektong oras).
Si Francis Bacon ang sumulat ng “Novum Organum” at nagpaunlad ng Scientific Method.
Si Andreas Vesalius ang gumawa ng Structure of Human Body
Si Tycho Brahe ay isang siyentista na nagpatunay na ang kometa ay hindi lamang penomenong atmosperiko, bagkus representasyon ng pagbabago ng kalawakan
Si Thomas Hobbes ang nagsabi na ang tao ay likas na makasarili kung kaya palagi niyang katunggali ang kapwa niya tao
Ang spinningjenny ang nagpapabilis sa paglalagay ng mga sinulid sa bukilya.
Ang flying shuttle ang unang imbensyon sa industriya ng tela. Ito ang nagpapabilis ng paghahabi ng tela.
Ang cotton gin ang makinang may kakayahan na paghiwalayin ang buto at bulak.
Ang steam engine ang unang makina na nagpapatakbo ng ibang makina.
Ang steam locomotive ang unang makina sa larangan ng transportasyon.
Ang barometer ang may kakayahang sumukat ng atmospheric pressure.