Globalisasyon

Cards (23)

  • GLOBALISASYON- paraan ng pamumuhay at pananaw na nakaugnay sa buong mundo
  • Sa pagpapalawig ng depinisyon ng Globalisasyon, nilalarawan nito ang interaksyon at integrasyon ng mga bansa at iba't ibang tao sa mundo sa mga larangan ng ekonomiya o kalakalan, teknolohiya, politika, at kultura
  • Ang Globalisasyon ay pag-unlad ng papalaking integradong ekonomiyang global na may markabng malayang kalakalan ( free trade), malayang daloy ng kapital (free flow if capital), at pagtukoy sa mga murang dayuhang pamilihan ( foreign labor market)
  • Ang ideya ng Globalisasyon ay higit na naipalaganap ni Marshall McLuhan, Canadian na theorist sa komunikasyon at mass media
  • Sa aklat na "The Gutenberg Galaxy: The making of Typograpic Man (1962)," binanggit nu McLuhan ang isang global village upang ilarawan ang penomenon ng kuktura ng daigdig na magkaalinsabay na lumiliit at lunalaki dahil sa paglaganap ng mga pag-unlad sa teknolohiya na nagbibigay-daan sa kagyat na palitan ng kultura
  • Sa global village ay unti-unting nawawala ang pampolitika, pang-ekonomiya, at panlipunang pagkakaiba kung kaya nabuo sa mga tao ang pananaw na ang bawat isa ay bahagi ng iisang pamayanan ng mga bansa sa daigdig.
  • PAGGAMIT NG MAKABAGONG TRANSPORTASYON- hindi na hadlang ang distansya, mula sa pinanggalingan hanggang patutunguhan, sa pagdadala ng mga tao o bagay sa iba't ibang lugar dahil sa umuunld nang sistemang pantransportasyon pati na ang mahusay na kalidad ng iba-ibang uri ng sasakyan
  • PAGLAGANAP NG INTERAKSYON AT KAALAMAN DULOT NG MAKABAGONG TELEKOMUNIKASYON- ito ay komunikasyon ng magkakalayong tao sa pamamahitan ng kable, telepono at monile phone, internet, rdyo, at telebisyon. Dahil sa modernong telekomunikasyon, naging mas mabilis ang paglaganap ng kaalaman sa buong daigdig. Naging mabilis na nakapagpapalitan ng impormasyon ang mga tao saanmang panig ng daigdig.
  • PAGLAWAJ NG KAMALAYANG PANGKULTURA SANGI NG TURISMO- ang tradisyon, kaugalian, at gawi sa isang pook ay nakikilala ng ibang tao dahil sa mga turistang bumibisita sa kanila. Sa katunayan, noong 2014 ay umabot sa 1.3 bilying turista ang dumalaw sa iba't ibang bansa at nakapagbigay ng $2.36 trilyon na kita sa pandaigdigang ekonomiya. Mabilis na nakarating sa kaalaman ng iba pang tao sa daigdig ang mga pangkulturang gawain na ito dahil inirerekord ito ng mga turista at napanonood sa internet, telebisyon, at radyo ng maraming tao
  • May 3 na kategorya ang Globalisasyon- kultura, politika, at ekonomiya
  • KULTURA
    PALIWANAG SA ASPEKTO- proseso ng pagsasalin ng isang lahi sa iba pang lahi ng taglay nitong mga pagpapahalaga, ideya, kultura, at artistikong pagpapahayag o paglalahad ng mga likhang-sining sa pamamagitan ng pagpunta, pag-ukit, sayaw, awit, pelikula at babasahin
  • KULTURA
    SALIK NA NAKAAPEKTO- paglaganap ng teknolohiya katulad ng radyo, telebisyon, at Internet, mga pelikula, at napakikinggang musika. Nakasaliksik, nababasa, napanonood, at napakikinggan sa Internet
  • KULTURA
    MGA HALIMBAWA- ang mga pelikula mula sa Hollywood ng Amerika at Bollywood ng India
  • POLITIKA
    PALIWANAG SA ASPEKTO- aksiyon ng pamahalaan o anomang pandaigdigang samahang pampolitika na may epekto sa kapakanan, karapatan, at responsibilidad ng mamamayan ng mga bansa sa daigdig. Naapektuhan nito ang kalagayan ng soberanya at teritoryo ng iba pang bansa.
  • POLITIKA
    SALIK NA NAKAAPEKTO- pagtatatag ng pandaigdigang samahang pampolitika ay pagsapi rito ng mga bansa. Ang bansang kasapi ay obligadong sumunod sa mga patakaran at kasunduang nilalagdaan sa naturang samahan. Mga suliraning may pandaigdigang epekto katulad ng terorismo, droga, o cybercrime (gaya ng panloloko, pagnanakaw, o distribusyon ng child pornography) na ginagawa sa pamamagitan ng Internet.
  • POLITIKA
    MGA HALIMBAWA- European Union (EU), North Atlantic Treaty Organization (NATO), Organization of Islamic Cooperation (OIC), at International Court of Justice (ICJ)
  • EPEKTO SA KULTURA
    Nagbabahaginan ng kaalaman sa mga likhang kuktural mula sa iba't ibang panig ng daigdig (POSITIBO)
  • EPEKTO SA KULTURA
    Nagkakaroon ng malawak na pag-unawa sa mga gawi at pagpapahalaga ng ibang lahi (POSITIBO)
  • EPEKTO SA KULTURA
    Nababawasan ang stereotype (nakagawiang pagkakilala) at misconception (maling pagkilala) sa ibang lahi at kultura nito (POSITIBO)
  • EPEKTO SA KULTURA
    Naipagtatanggol at naipaliliwanag sa nakararaming tao ang taglay na pagpapahalaga at mithiin (POSITIBO)
  • EPEKTO SA KULTURA
    Madaling paraan upang makakalap ng mga kaalaman at impormasyon (POSITIBO)
  • EPEKTO SA KULTURA
    Natututo ng pakikiangkip sa mga dayuhang gawi, ugali, at pagpapahalaga ng ibang lahi sa sariling pamayanan (POSITIBO)
  • EPEKTO SA KULTURA
    Pag-aangkop ng sariling kultura sa popular na dayuhang kultura (POSITIBO)