Pagsulat sa Filipino 2

Subdecks (3)

Cards (78)

  • Kompleks - Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo. Kompleksidad ng gramatika.
  • Pormal - Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita.
  • Tumpak - Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis o kulang
  • Obhetibo - Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
  • Eksplisit - Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa. Gumagamit ng "signaling words."
  • Wasto - Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas pagkamalian ng mga karaniwang manunulat
  • Responsible - Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lalo na sa paglalahad ng mga ebidensiya, patunay, o anomang nagpapatibay sa kanyang argumento. Responsable sa hanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang marapatan na isang playgyarista.
  • Malinaw na layunin - Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang tanong na ito ang nagbibigay ng layunin
  • Malinaw na pananaw - Akademikong pagsulat ay ‘di lamang listahan ng mga katotohanan o facts at paglalagom ng mga hanguan o sources. Ang manunulat ay naglalahad ng idea at saliksik ng iba, layunin ng kanyang papel na maipakita ang kanyang sariling pag-iisip ‘’ Punto debista ‘’ ng manunulat.
  • May Pokus - Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga, at taliwas na impormasyon
  • Lohikal na organisasyon - Ang akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na hulwaran. Ang karamihang akademikong papel ay may introduksyon, katawan, at kongklusyon. Bawat talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata.
  • Matibay na suporta - Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon, ng mga eksperto, at siniping pahayag o quotations.
  • Malinaw at kompletong eksplanasyon - Bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kompleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.
  • Epektibong pananaliksik - Kailangang gumamit ng napapanahon, propesyonal, at akademikong hanguan ng mga impormasyon. Napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pagsulat. Mahalagang maipamalas ang intelektwal na katapatan sa pamamagitqn ng dokumentasyon ng datos. Ang dokumentasyon ay iminumungkahe gamit ang estilong APA.
  • Iskolarling estilo sa pag sulat - Sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong papel, kung kaya't napakahalaga na maiwasan ang mga pagkakamali sa grammar, ispeling, pagbabantas, at bukabolaryo
  • Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa isang tiyak na pinag-uukulan sa pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o nakatitik.
  • Liham pagbati ay ipinapadala sa sinomang nakakamit ng tagumpay,karangalan, o bagay na kasiya-siya. Ipinapadala rin ito sa isang nakagawa ng anomang kapuri-puri o kahanga-hangang bagay sa tanggapan.
  • Liham Paanyaya (Letter of Invitation) ➢ Taglay ng liham na ito ang paanyaya sa pagdalo sa isang pagdiriwang, maging tagapanayam, o gumanap ng mahalagang papel sa isang partikular na okasyon.
  • .Liham Tagubilin (Letter of Instruction) ➢ Nagrerekomenda o nagmumungkahi ang isang indibidwal o tanggapan kung may gawaing nararapat isangguni sa bawat nagpapakilos ng gawain upang magkatulungan ang mga kinauukulan sa katuparan ng nilalayon nito
  • Liham Pasasalamat (Letter of Thanks) ➢ Pagpapahayag ng pasasalamat sa mga naihandog na tulong, kasiya-siyang paglilingkod, pagbibigay ng kapaki-pakinabang na impormasyon, idea at opinyon, at tinanggap na mga bagay
  • Liham Kahilingan (Letter of Request) ➢ Liham na inihahanda kapag nangangailangan o humihiling ng isang bagay, paglilingkod, pagpapatupad, at pagpapatibay ng anomang nilalaman ng korespondensiya tungo sa pagsasakatuparan ng inaasahang bunga, transaksiyonal man o opisyal.
  • Liham Pagsang-ayon (Letter of Affirmation) ➢ Liham na sumasang-ayon at nagpapatibay sa isang kahilingan o panukala na makabubuti sa operasyon ng isang tanggapan. Maaaring samahan ng kondisyon ang pagsang-ayon kung kinakailangan.
  • Liham Pagtanggi (Letter of Negation) ➢ Nagpapahayag ito ng dahilan ng pagtanggi, di pagpapaunlak, di pagsang-ayon sa paanyaya, kahilingan, panukala, at iba pa hinggil sa pangangailangang opisyal at transaksiyonal.
  • .Liham Pag-uulat (Report Letter) ➢ Ito ang liham na nagsasaad ng katayuan ng isang proyekto o gawain na dapat isakatuparan sa itinakdang panahon. Tinatalakay dito ang: a. Pamagat, b. Layunin, c. Kalikasan ng proyekto; d. Bahagdan ng natamo batay sa layunin; e. Kompletong deskripsiyon ng progreso ng kasalukuyang gawain, pati na ang mga tauhan, pamamaraan, mga hadlang, at mga remedyo; at mga gawaing kailangan pang isagawa upang matapos sa itinakdang panahon ang proyekto.
  • Liham Pagsubaybay (Follow-up Letter) ➢ Ito ang liham na ipinadadala upang alamin ang kalagayan ng liham na naipadala na, subalit hindi nabibigyan ng tugon. Nagsisilbi itong paalaala upang bigyang-aksiyon ang naunang liham. Ang uri ng liham na nararapat subaybayan ay ang liham kahilingan, paanyaya; at maging ang pag-aaplay o pamamasukan sa trabaho. Sa pagsulat, magalang na banggitin sa liham ang petsa at layunin ng naunang komunikasyon.
  • .Liham Pagbibitiw (Letter of Resignation) ➢ Liham na nagsasaad ng pagbibitiw ng isang kawaning nagpasiyang huminto o umalis sa pagtatrabaho bunga ng isang mabigat at mapanghahawakang kadahilanan.