Pagsulat sa Filipino 1

Cards (20)

  • Kompleks - Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika
  • Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo
  • Kompleksidad ng gramatika
  • Pormal - Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita
  • Tumpak - Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis o kulang
  • Obhetibo - Hindi personal
  • Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa
  • Eksplisit - Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa
  • Gumagamit ng "signaling words."
  • Wasto - Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita
  • Maingat dapat ang manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.
  • Liham Kahilingan ng Mapapasukan/Aplikasyon (Letter of Application) ➢ Ang sinomang nagnanais na makapaglingkod sa isang tanggapan ay kailangang magpadala o magharap ng liham kahilingan. Ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga idea at tuwirang pananalita na nakapaloob sa nilalaman ng liham ay nakahihikayat ng magandang impresyon. Tukuyin ang posisyong inaaplayan at kahandaan ng pakikipanayam anomang oras na kinakailangan
  • Liham Paghirang (Appointment Letter) ➢ Ito ay isang liham na nagtatalaga sa isang kawani sa pagganap ng tungkulin, pagbabago/paggalaw (movement) ng katungkulan sa isang tanggapan, o promosyon (promotion) para sa kabutihan ng paglilingkod sa tanggapan. Isinasaad sa liham ang dahilan ng pagkahirang at ang pag-asang magagampanan ang tungkuling inaatas sa kanya nang buong kahusayan.
  • Liham Pagpapakilala (Letter of Introduction) ➢ Liham ito na himig-personal na nagpapakilala sa isang taong nagsasadya sa isang tanggapan upang lalo siyang makilala ng kakausaping opisyal kaugnay ng anomang transaksiyon.
  • Liham Pagkambas (Canvass Letter) ➢ Ang liham na ito ay nagsasaad ng kahilingan ng sumusunod: a. halaga ng bagay/aytem na nais bilhin; b. serbisyo (janitorial services, security services, catering services, venue/function halls at iba pa sa isang tanggapan.
  • .Liham Pagtatanong (Letter of lnquiry) ➢ Liham ito na nangangailangan ng tuwirang sagot sa nais malaman hinggil sa mga opisyal na impormasyon o paliwanag.
  • Liham Pakikidalamhati (Letter of Condolence) ➢ Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na naulila.Nagpapahayag ito ng pakikiisa sa damdamin subalit hindi dapat palubhain ang kalungkutan ng mga naulila. Nararapat itong ipadala agad matapos mabatid ang pagkamatay ng isang tao.
  • Liham Pakikiramay (Letter of Sympathy) ➢ Liham ito na ipinadadala sa mga kaopisina, kaibigan, kakilala, kamag-anak na nakaranas ng sakuna o masamang kapalaran, tulad ng pagkakasakit, bagyo, lindol, baha, sunog, aksidente o anopamang sakuna ngunit buhay pa.
  • Liham Panawagan (Letter of Appeal) ➢ Liham ito na nagsasaad ng kahilingan, kooperasyon, pakiusap para sa pagpapatupad o implementasyon ng kautusan, kapasiyahan, at pagsusog/ amyenda ng patakaran.
  • .Liham Pagpapatunay (Letter of Certification) ➢ Ito ay uri ng liham na nagpapatunay na ang isang empleyado o tauhan sa tanggapan ay nagtungo at/o dumalo sa isang gawaing opisyal sa isang partikular na lugar at petsa na kung kailan ito isinagawa. Nilalagdaan ito ng puno ng tanggapan, tagamasid pampurok, puno ng rehiyon.