Pagsulat sa Filipino 3

Cards (18)

  • Malinaw (Clear) ➢ Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagay-bagay na hangad ipabatid sa liham. Iplano ang pagkakasunod-sunod ng mga ideang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin kung mahusay ang pagkakapahayag ng bawat idea
  • Wasto (Correct) ➢ Laging isaisip na ang ano mang liham na nangangailangan ng katugunan ay dapat magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin ang mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naaayon sa kanikanilang priyoridad.
  • Buo (Complete) ➢ Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon sapagkat kapag nakaligtaang itala ang isang bagay na kailangan ng sumulat, lalabas na kapos o depektibo sa pangunahing sangkap ang liham. Upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinulatan, dapat na unang-unang nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham ng sumulat.
  • Magalang (Courteous) ➢ Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Hindi dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal. Nakatatawag-pansin ang pagkamagalang, kaya’t agad nakukuha ang tugon o reaksiyon sa liham.
  • Maikli (Concise) ➢ Sikapin na ang bawat isusulat ay makatutulong sa pagpapabatid ng nais sabihin sa nilalaman. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan. Ito ay isa lamang pag-aaksaya ng panahon at nakapapawi ng interes ng nilihaman.
  • Kumbersasyonal (Conversational) ➢ Masasabing mahusay ang pagkakapaghanda ng isang liham kapag ang bumabasa nito ay parang personal na kausap ng sumulat. Sabihin sa natural na pamamaraan ang nais iparating nang sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan
  • Mapagsaalang-alang (Considerate) ➢ Pakatimbangin ang ano mang nais ipahayag ng sumulat. Bigyan-diin ang mensaheng nagbibigay-interes sa sinulatan o bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang loob.
  • Pamuhatan (Heading) ➢ Binubuo ito ng opisyal na pangalan ng tanggapan, adres, telepono,
  • May dalawang uri ng pamuhatan a. Nilimbag na pamuhatan (Printed letterhead) Ang nakalimbag na pamuhatan ay karaniwang nasa gitnang itaas o sa itaas ng papel. Ang logo o sagisag ng tanggapan o kompanya ay karaniwang inilalagay sa itaas o sa kaliwa ng pamuhatan. b. Minakinilya (typeset) /Sulat-kamay na Pamuhatan Ito ay sinisimulan mula sa isa’t kalahati (1 ½ ) hanggang dalawang (2) o maaaring pitong (7) espasyo mula sa itaas ng papel
  • . Petsa (Date) ➢ Ang Petsa ay bahagi ng pamuhatan. ➢ Maaari itong ilagay sa kaliwang bahagi para sa anyong full-block at kanan o gitnang bahagi para sa anyong semi-block.
  • . Patunguhan (Inside Address) ➢ Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong ng liham. Kung kilala ang sinusulatan, sinusulat ang pangalan ng taong sinusulatan, ang kaniyang katungkulan (kung mayroon), tanggapang pinaglilingkuran at direksiyon. Iwasan ang pagdaglat sa pagsulat ng adres o direksiyon, hal. ave., st..
  • Bating Pambungad (Salutation) ➢ Ito ay pagbati sa sinusulatan. Sa bating pambungad, ang bantas na marapat gamitin ay tutuldok o colon ( : ). Ang karaniwang ginagamit ay ang sumusunod: Mahal na Ginoo: Mahal na Tagapangulong Libatique: Ginoo: Mahal na Punong Mahistrado Sereno: Mahal na Ginang: at iba pa.
  • . Katawan ng Liham (body of the letter) ➢ Ito ang tampok na bahagi ng liham na nagsasaad ng paksa/mensahe sa sinusulatan.
  • Katangian ng Maayos na Mensahe a. Kailangang ang liham ay maging malinaw na malinaw at hindi dapat lumikha ng anomang alinlangan sa pinadadalhan o babasa nito. b. Kailangang may tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita, pangungusap, talata, at mga bahagi ng liham. c. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain, may angkop na mga salita, banghay, at bantas.
  • Bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham a. Panimula – Naglalaman ito ng maikling pahayag sa layon o pakay ng liham. b. Katawan – Naglalaman ito ng mga detalyeng paliwanag hinggil sa pakay ng liham. c. Huling talata – Nagsasaad ito kung ano ang inaasahang aksiyon sa ipinadalang liham
  • .Pamitagang Pangwakas (Complimentary Close). ➢ Nagsasaad ito ng pamamaalam sa nililihaman.
  • Mga Dapat Tandaan sa Pamitagang Pangwakas a) Ang bating pambungad at ang pamitagang wakas ay iniaangkop sa katungkulan o kalagayang panlipunan ng taong sinusulatan. b) Kung ano ang antas ng pamimitagang ipinahihiwatig sa bating pambungad ay siya ring isinasaad sa pamitagang pangwakas. c) Ang pamitagang pangwakas ay may dalawang espasyo mula sa huling salita ng katawan ng liham. Isulat buhat sa kalagitnaan pakanan, na ang dulo ay hindi lalampas sa palugit at lagyan ng kuwit at isulat sa malaking titik ang unang letra ng salita. Ginoo: Kagalang-galang Mahal na Bb. Santos at iba pa.
  • Lagda (Signature) ➢ Binubuo ito ng pangalan, lagda, at posisyon ng lumiham. Ito ay nagpapakilala ng kapangyarihan at pananagutan sa nilalaman ng liham. Ang mga babae, kung nais nila, ay maaaring gumamit ng Bb., Gng. Ms. sa unahan ng kanilang pangalan. Hindi gumagamit ng G. (Mr.) ang kalalakihan sa unahan ng kanilang pangalan.