Uri ng Korapsyon

Cards (11)

  • Ito ay ang pagbibigay, pagtanggap, o panghihingi ng pera, regalo, pabor, o anumang bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang isang tao, lalo na ang may kapangyarihan o awtoridad, para gawin o hindi gawin ang isang bagay na labag sa batas, patas na proseso, o moralidad.
    Bribery
  • Ito ay isang uri ng korapsyon kung saan ang isang opisyal ng gobyerno o isang taong may tiwala sa paghawak ng pera ng bayan ay nagnanakaw, gumagamit, o nililihis ang pampublikong pondo para sa pansariling interes.
    Embezzlement
  • Ito ay uri ng korapsyon kung saan ang isang taong may kapangyarihan, tulad ng isang opisyal ng gobyerno o pinuno ng isang kumpanya, ay nagbibigay ng trabaho, promosyon, o benepisyo sa kanyang kamag-anak o kapamilya, kahit na hindi sila kwalipikado.
    Nepotism, Favoritism
  • Ito ay isang uri ng korapsyon na naglalayong baguhin ang resulta ng isang eleksyon sa pamamagitan ng panlilinlang, pananakot, o pagsasamantala sa sistema ng pagboto
    Electoral Fraud
  • Ito ay ginagawa upang makuha ang isang bagay nang hindi ayon sa batas at sa pamamagitan ng sapilitang paraan.
    Extortion
  • Ito ay nagdudulot ng pagkaantala o hindi epektibong serbisyo dahil sa mga matagal at kumplikadong proseso.
    Red Tape
  • Tumutukoy sa mga mapanlinlang na gawain kung saan mayroong sadyang pagtatangka na linlangin ang iba, karaniwan upang makakuha ng hindi nararapat na pondo, pabor, o kapakinabangan.
    Fraud
  • Ito ay mga proyektong ipinapakita o ina-approve ng mga opisyal ng gobyerno na hindi naman talaga umiiral o hindi natutuloy
    Ghost projects
  • Ito ay mga pekeng empleyado na nasa mga payroll o listahan ng mga empleyado ng gobyerno o isang ahensya, ngunit hindi naman talaga nagtatrabaho.
    Ghost employee
  • Ito ay tumutukoy sa paggamit ng hindi tamang mga pamamaraan, tulad ng pagbibigay ng suhol o mga insentibo, upang impluwensyahan ang mga opisyal ng gobyerno o mga tagagawa ng batas para makuha ang mga pabor na benepisyo, proyekto, o polisiya na paborable sa isang partikular na grupo o indibidwal.
    Lobbying with corruption
  • Ito ay ang proseso ng pagtatago o paglilinis ng mga ilegal na kita upang magmukhang ito ay nakuha sa pamamagitan ng mga lehitimong pamamaraan.
    Money Laundering