Ang buod ay may isang akda o paksa lamang. Isinusulat ito sa sariling salita at walang dinadagdag o binabawas na impormasyon.
Ang buod ay naglalaman ng mga key points sa isang paksa.
3 Pangangailangan sa Pagsulat ng BUOD ayon kay Swales at Feat (1994)
Tumatalakay sa kabuoan ng ORIHINAL na teksto
Kailangang nailahad sa pamamaraang NYUTRAL o walang kinikilingan
Ito ay PINAIKLING bersyon ng teksto at naisulat sa SARILING PANANALITA ng gumawa
1.Tumatalakay sa kabuoan ng orihinal na teksto
Ang mga datos o DETALYENG MAHALAGA at mensahe ay makikita pa rin sa buod.
Kayang Ihayag ng buod ang MENSAHENG ihinahatid ng tekstong pinagmulan
2. Kailangang nailahad sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan
Muling PAGHAHAYAG lamang ng mensahe
Obhetibo
HINDI maglaman ng PANANAW ng sumulat, hindi rin gumagawa ng ARGUMENTASYON.
PAGLALAHAD LAMANG na hindi hinaluan ng personal na pagtataya, pananaw o pagsusuri
3.Ito ay pinaikling bersyon ng teksto at naisulat sa sariling pananalita ng gumawa
Gamitin ang SARILING PANANALITA o sariling pagpapahayag sa mga detalye
Mas nagkakaroon ng laya na MAPAIKSI ang nilalaman
Katangian: Nagtataglay ng obhetibong Balangkas ng Orihinal na Teksto
ASAKABA: Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit
Nakikita ang orihinal na diwa Ikatlong Panauhan
Katangian: Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo
Tanging ang mga impormasyong nasa ORIHINAL na teksto ang dapat na isama.
Katangian: Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na teksto
Tanging paglalahad ng mga MAHAHALAGANG impormasyong nabanggit sa ISANG akda lamang
Katangian: Gumagamit ng mga SUSING Salita
PANGUNAHING konsepto na pinagtutuunan ng teksto.
Katangian: Gumagamit ng sariling Pananalita Ngunit Napananatili ang Orihinal na Mensahe
Maihayag ang katulad na mensahe mula sa ORIHINAL na teksto sa mas MAIKLI pahayag
Pagiging MALIKHAIN sa pagpapahayag.
Mga Hakbangin sa Pagbubuod
Salungguhitan ang mga MAHAHALAGANG punto at detalye.
ILISTA O IGRUPO ang mga ideyang magka-kasama
Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa LOHIKAL na paraan
Gawing IKATLONG panauhan kung ang akda ay nasa unang panauhan.
ISULAT ang buod
Pagsulat ng Sintesis
Ang sintesis ay: Buod + Buod o Akda + Akda
Pagsasama ng DALAWA o HIGIT PANG BUOD.
Paggawa ng KONEKSYON sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.
May KAUGNAYAN, ngunit hindi katulad ng klasipikasyon, dibisyon, comparison, o kontrast.
Ayon kay Warwick (2011)
Ito isang sulating maayos at malinaw na MAGDURUGTONG sa mga rason mula sa MARAMING SANGGUNIAN o POVs na ginagamit ang sariling pananalita ng sumulat at bumubuo ng mas MALAWAK na ideya.
Ang sintesis ay
PINAKLING bersyon ng iba't ibang batis ng kaalaman at impormasyon.
Impormasyong mula sa panayam, diskusyon, nobela, pelikula, blog, maikling kwento, tula, atbp.
Siguraduhing NAPAPANAHON ito at MAPAGKAKATIWALAAN.
Mga Uri at Katangian ng Mahusay na Sintesis
Background Synthesis
Thesis-Driven Synthesis
Synthesis for the Literature
1.Background Synthesis
Ito ay isang uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga SANLIGANG IMPORMASYON ukol sa ISANG PAKSA o TEMA at karaniwan itong inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa sanggunian. Ito ay explanatory.
Layunin: Pangkalahatang Ideya
Pamamaraan: Pangangalap ng impormasyon sa iba't ibang organisasyon o sanggunian
2. Thesis-Driven Synthesis
Sa ganitong uri ng sintesis hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga PUNTO SA TESIS ng sulatin.
Backbone of Main Argument
Layunin: May sinusuportahan na Tesis Statement
Pamamaraan: Magsimula sa T.S. at ebidensya na susuporta, tignan din ang statement ng kabilang panig.
3. Synthesis for the Literature
Ginagamit ito sa mga sulating PANANALIKSIK. Kadalasang kahingian ng mga sulating pananaliksik ang pagbabalik-tanaw o PAGREBYU sa mga naisulat nang literatura ukol sa paksa. Upang maipakita ang MALAWAK na kaalaman sa paksa, kailangang magkaroon ng sintesis ng mga literaturang kaugnay ng pag-aaral ang isang papel pananaliksik.
Layunin: Suriin & bigyan ng sariling meaning ang mga pampanitikan
Pamaraan: Sumusuri critically at may mapagkakatiwalaan na sanggunian.
Katangiang Dapat Taglayin ng Sintesis
Nag-uulat ng TAMANG impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba't ibang ESTRUKTURA ng pagpapahayag. Nagpapakita ng
ORGANISASYON ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga impormasyong nagmumula sa IBA'T IBANG sangguniang ginamit.
NAPAGTITIBAY nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napalalalim nito ang PAG-UNAWA ng nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay.