Bionote

Cards (35)

  • Ano ang layunin ng bionote sa pagpapakilala ng tagapagsalita?
    Pagpapakilala ng panauhing pandangal
  • Ano ang nilalaman ng bionote?
    Impormasyon ukol sa isang indibwal
  • Ano ang layunin ng bionote para sa mga tagapakinig o mambabasa?
    Maipakilala ang indibwal
  • Bakit itinuturing na volatile ang bionote?

    Dahil maaaring magbago nang mabilis
  • Ano ang mga pangunahing layunin ng bionote ayon kay Levy (2015)?
    • Pagpapakilala sa sarili
    • Pagpapasa ng artikulo o pananaliksik
    • Pagpapasa ng aplikasyon sa workshop, scholarship, o trabaho.
    • Pagpapalawak ng network propesyonal
    • Pagpapakilala ng may-akda o tagapagsalita
  • Ang bionote ay mas maikli sa talambuhay
  • Ang talambuhay ay mas detalyado kumpara sa bionote
  • Ang bionote ay nakaayon kung para saan isinusulat/nakadepende ito sa okasyon o sitwasyon.
  • Ang bionote ay pinaikling buod ng kakayahan, tagumpay, edukasyong natamo publikasyon at pagsasanay ng may-akda.
  • Ayon kay Levy (2015), ang bionote ay nagdadagdag ng credibility at qualifications ng isang indibidwal sa pag-aapply ng trabaho.
  • Sa unang librong pagbabasehan, ang Bionote ay may dalawang uri. Ito ay ang MAIKLING tala Para sa mga Dyornal at Antolohiya at MAHABANG tala.
  • MAIKLING TALA
    • Maikli ngunit SIKSIK sa impormasyon.
    • Pagbanggit ng impormasyong may KAUGNAYAN sa tema o paksa.
  • Ang nilalaman ng MAIKLING tala ay:
    • Pangalan
    • Pangunahing Trabaho
    • Edukasyon at akademikong karangalan
    • Premyo o gantimpala
    • Organisasyong kinabibilangan
    • Mga tungkulin sa pamahalaan o kumunidad
    • Kasalukuyang proyekto
    • Detalye sa pakikipag-ugnayan (hal. e-mail)
  • Mahabang Tala
    • Isinusulat bilang NARRATIVE/PROSANG bersyon ng Curriculum Vitae (CV).
    • Ang Mahabang Tala ay BIHIRA lamang kumpara sa Maikling Tala.
    • Kadalasang ginagamit ni Ligaya Tiamson-Rubin, may-akda ng mga aklat sa Angono, layon na maging SANGGUNIANG MAPAGKUKUNAN ng mga mananaliksik.
    • Binubuo ng DALAWA hanggang WALONG pahina
    • DOBLE ang espasyo.
  • Ginagamit ang MAHABANG TALA sa mga sumusunod:
    • Entri sa ENSIKLOPEDYA
    • AKLAT ng Impormasyon tulad ng Buhay ng Manunulat
    • TALA sa aklat ng may-akda o editor
    • Hurado ng lifetime achievement award.
    • ADMINISTRADOR ng paaralan
  • Sa MAHABANG TALA nakapaloob din ang:
    • POSISYON ng indibidwal
    • Kung isang awtor, mga PAMAGAT ng mga naisulat
    • Parangal at PINAG-ARALAN
    • Kasalukuyang PROYEKTO
    • Training o PALIHAN
    • GAWAIN sa pamayanan organisasyon
  • Saan kadalasang nakikita ang Micro-Bionote?
    Sa social media at business card
  • Ano ang mga bahagi ng isang Micro-Bionote?
    • Nagsisimula sa pangalan
    • Sinusundan ng mga ginawa
    • Tinapos sa mga detalye ng kontak
  • Ayon sa ikalawang libro, isang uri ng bionote ay ang MICRO BIONOTE. Ito ay isang impormatibo at naglalaman lamang ng PANGUNAHING impormasyon. HINDI ito naka narrative format.
  • Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Bionote
    1. Balangkas sa Pagsulat
    2. Haba ng Bionote
    3. Kaangkupan ng Nilalaman
    4. Antas ng Formalidad ng Sulatin
    5. Larawan
    1. Balangkas ng Pagsulat
    • PRAYORITISASYON ng mga impormasyon na isasama.
    • ISTRATEHIYA sa paglalahad ng detalye/daloy ng impormasyon.
    • PANGALAN ang pinaka-priority na babanggitin kasi yun yung dapat tatatak sa isang tao, kung SINO yung mismo nagsulat o yung nagbabahagi.
  • 2. Haba ng Bionote
    • Nakadepende sa PANGANGAILANGAN at kahingian, kung gaano ito karami.
    • Nababago base sa KREDIBILIDAD ng taong ipapakilala, ito ay dahil sa DAMI ng kanyang mga parangal.
    • Nakasentro sa REQUIREMENTS ng industriya o larangan.
  • 3. Kaangkupan ng Nilalaman
    • PAG-ANGKOP at pagpili ng mga impormasyon base sa LARANGAN ng mga tagapakinig o mambabasa.
    • Hindi lahat ng detalye ay kailangan ilagay; dapat NAAAYON sa sitwasyon o okasyon.
    • Mahalaga ng AUDIENCE PSYCHOLOGY dahil hindi tataas ang interes nila kung walang kaugnayan ang mga impormasyon sa kanilang larangan.
    • Makikita ang VOLATILITY ng Bio-Note kapag inaangkop muli ang bio-note sa bawat bagong konteksto o tema. (Hal. magkaiba ang bio-note sa magkaibang nobela ngunit iisang awtor lamang)
  • 4. Antas ng Formalidad ng Sulatin
    • Tumutukoy sa ANTAS ng mga salitang gagamitin base sa larangan o profession ng audience.
    • Lagi natin isasaalang-alang kung SINO yung audience, ANO yung okasyon, yung sitwasyon, yung klima at GAANO yung level ng sensibility ng mismong sentence.
  • 5. Larawan
    • Dapat formal at NAPAPANAHON ang larawan na gagamitin.
    • Hindi ito limitado sa profile picture, ito rin ay larawan ng pagkatao na IPINAPAKITA sa audience
  • Mga Hakbang sa Pagsulat ng Bionote
    1. Tiyakin ang Layunin
    2. Pagdesisyonan ang Haba
    3. Ikatlong panauhan
    4. Simulan sa Pangalan
    5. Ilahad ang Propesyong Kinabibilangan
    6. Isa-isahin ang Mahalagang Tagumpay
    7. Idagdag ang Di-inaasahang Detalye
    8. Isama ang Contact Information
    9. Basahin at Isulat Muli
  • 1.Tiyakin ang Layunin
    • Mahalaga ang pagkakaroon ng layunin para malaman kung ANO ang mga detalye na dapat ilagay.
    • Nagsisilbing GABAY sa pagpili ng mga impormasyon na dapat isama.
    • Nakakulong sa konsepto ng PRE-WRITING.
    • Ang layunin ay SUKATAN para malaman natin kung NAGTAGUMPAY tayo.
    • Malalaman din natin anong ESTRATEHIYA o paraan natin sa paglalahad.
  • 2. Pagdesisyonan ang Haba:
    • Nakadepende sa layunin at REQUIREMENT ng organisasyon.
    • Iba-iba ang haba depende sa KONTEKSTO (live at pasulat).
    • Sa workshop/seminar, may limit sa ORAS. Sa pasulat na pamamaraan, BILANG lang yung mga pahina o yung words na kailangan.
  • 3. Ikatlong panauhan:
    • Sa mga formal na sulatin, mas mainam ang IKATLONG PANAUHAN para mapanatili ang pagiging obhetibo.
    • Hindi magmukhang nagmamayabang o nagbubuhat ng sariling bangko.
  • 4. Simulan sa Pangalan:
    • Ang pangalan ang PINAKAMAHALAGANG detalye na dapat matandaan ng mga tao.
    • Patungkol kanino, nabibigay dapat ng LARAWAN.
    • Mahalagang ilagay sa SIMULA ng bionote. Hindi katanggap-tanggap na nasa gitna o panghuling bahagi ang pagbanggit ng pangalan.
    • Sa workshops o ibang seminars, hinuhuli naman yung pangalan dahil nakaflash na sa screen.
  • 5. Ilahad ang Propesyong Kinabibilangan:
    • Mahalaga ang pagbanggit ng PROPESYON at LARANGAN ng indibidwal.
    • Nakatutulong ito sa pagpapakita ng KREDIBILIDAD.
    • Be SPECIFIC (Hal. Anong klaseng engineer ang speaker)
  • 6. Isa-isahin ang Mahalagang Tagumpay:
    • Isama lamang ang mga tagumpay na may KAUGNAYAN sa audience at okasyon.
    • Hindi lahat ng tagumpay ay kailangan banggitin.
  • 7. Idagdag ang Di-inaasahang Detalye:
    • Magdagdag ng mga bagong impormasyon na HINDI INAASAHAN ng mga tao. Nakatutulong ito sa
    • PAGPAPATAAS NG INTERES ng mga tagapakinig.
    • May mga impormasyong posibleng bago, mahalaga yung konsepto ng ELEMENT OF SURPRISE.
  • 8. Isama ang Contact Information:
    • Mahalaga ang pagkakaroon ng contact information para MAPALAWAK ANG NETWORK.
    • Kabilang ang E-MAIL, social media ACCOUNT, NUMERO ng telepono.
    • Ngunit hindi lahat ng bionote ay may kasamang contact information.
    • Maging CRITIC ng sarili nating sulatin.
  • 9. Basahin at Isulat Muli:
    • MULING basahin at sulatin ang bionote para makita kung ano ang dapat ayusin.
    • Ginagawa ito upang masiguro ang EPEKTIBONG PAGLALAHAD ng impormasyon.
    • PANGATLONG proseso ng pagsusulat.
    • Isaalang-alang natin yung muling pagsulat o yung muling pagbasa ng sarili natin sulatin. Malalaman natin yung mga kailangan I-EDIT at I-REVISE na bahagi ng isang bio-note.