Paksa 2 - Pagsasalin

Cards (19)

  • Ang pagsasalin ay isang proseso kung saan ang kahulugan ng isang teksto ay inililipat sa ibang wika.
  • Ang salinwika ay ang bagong teksto na lumabas mula sa pagsasalin.
  • salinwika – naghahatid ng kaparehong mensahe na nasa ibang wika
  • Hindi lang literal na pagpapalit ng salita ang pagsasalin, kundi isinasaalang-alang rin ang diwa o konteksto ng mensahe.
  • May iba’t ibang patakarang pambalarila ang bawat wika, kaya hindi maaaring direktang isalin ang bawat salita.
  • Dapat ding isaalang-alang ang gawi ng pagsulat at mga kawikaan o idyoma, dahil maaaring hindi ito magkatumbas sa ibang wika.
  • Maraming nagkakamali sa paniniwala na ang pagsasalin ay madali at direkta
  • Hindi sapat ang literal na pagsasalin dahil maaaring mawala ang tamang kahulugan ng isang pahayag.
  • Sa pagtutumbas ng salita-sa-bawat-salita, hindi pinahahalagahan at hindi nabibigyan ng pansin at diin ang diwa, balarila, mga gawi, at kawikaan.
  • Puno ang pagsasalin wika ng mga kaipala (o posibilidad) ng pag-apaw ng mga wikain at paraan ng paggamit mula sa isang wika patungo sa isa, sapagkat kapwa wika ay nakasalalay sa nag-iisang utak ng tagapagsalin (o tagapagsalinwika).
  • Madaling makasanhi ang pag-apaw na ito ng mga pinaghalong wika (ang mga haybrid) katulad ng 'Prangles' (Pranses-Ingles), 'Espanggles' (Kastila-Ingles), 'Pogles' (Polaka-Ingles), 'Portunyol' (Portuges-Kastila o Portuges-Espanyol), 'Taglish' (Tagalog-Ingles), at 'Englog' (Ingles-Tagalog).
  • Theodore Savory (1968):
    "Ang pagsasalin ay maaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa kaisipang nasa likod ng mga pahayag na berbal."
  • Gregory Rabassa:
    "Hindi kailanman mapapantayan ng salin ang orihinal."
  • Eugene Nida (1964):
    "Ang Pagsasalin ay paglalahad sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit na natural na katumbas ng mensahe ng simulang wika, una'y sa kahulugan at pangalawa'y sa estilo."
  • Griarte (2014):
    "Ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o mensahe sa malapit na katumbas na diwa gamit ang ibang wika."
  • Peter Newmark (1988):
    "Ang pagsasalin ay isang gawang binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gaya ding mensahe sa ibang wika."
  • Puntiryang Teksto: Ang pangwakas na output ng pagsasalin.
  • Puntiryang Wika: Ang wika kung saan isasalin ang teksto.
  • Pinagmumulang Teksto: Ang orihinal na teksto bago isalin.