Paksa 1 - Kahalagahan at Depinisyon ng Wika

Cards (14)

  • Ang wika ang pangunahing paraan ng pakikipag-usap ng tao.
  • Kung walang wika, hindi tayo makakapagpahayag ng ating damdamin, opinyon, at impormasyon.
  • Ang media (tulad ng balita, telebisyon, at pelikula) ay nakasalalay sa wika upang maiparating ang impormasyon at libangan.
  • Kahit may mga silent films noon, hindi pa rin nawala ang pangangailangan sa wika sa ibang anyo (hal., script, subtitles, o pagsasalaysay).
  • Mahalaga ang wika sa pagkatuto dahil ito ang ginagamit upang ipasa ang kaalaman.
  • Ang pagkakaroon ng maraming wika (Filipino at Ingles) ay nagiging daan upang mas mahasa ang ating kasanayan sa pakikipagkomunikasyon at pag-unawa.
  • Ang wika ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaisa ang mga mamamayan ng isang bansa.
  • Bawat bansa ay may sariling wika na siyang nagpapalakas ng kanilang pagkakakilanlan at kultura.
  • Ano ang pangunahing gamit ng wika?
    Ang wika ay pangunahing ginagamit sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.
  • Paano nakakatulong ang wika sa media at entertainment?
    Ginagamit ito sa pagpapahayag ng impormasyon (balita) at sa pagbibigay ng libangan (pelikula, teleserye, at iba pa).
  • Bakit mahalaga ang wika sa edukasyon?
    Dahil ito ang ginagamit upang ipasa ang kaalaman at maunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang mga leksyon.
  • Ano ang kaugnayan ng wika sa pagkakaisa ng isang bansa?
    Ang wika ay isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaisa ang mga tao sa isang lipunan at nagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan.
  • Ang wika ayon kay Gleason ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng tao na kabilang sa isang kultura.
  • Paksa 1 - Kahalagahan ng Wika at Depinisyon ng Wika
    Paksa 2 - Kahulugan ng Pagsasalin
    Paksa 3 - Kahalagahan ng Pagsasalin
    Paksa 4 - Katangian ng Tagapagsalin, Pag-unawa sa Paksa, at Mga Gawain Tungo sa Pagkatuto