TANONG BAGO TULUYANG MAGPASYA SA PAKSANG SUSULATIN:
Interesado ka ba sa paksang ito?
Magiging kawili – wili kaya sainyo ang pananaliksik at ang pagsulat na ukol dito?
Angkop, makabuluhan at napapanahon ba ang paksang ito?
Masyado bang malawak o limitado?
Kaya mo bang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa inyo?
Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari ninyong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ninyo?
LAYUNIN NG PANANALIKSIK
Mabigyan ng kasiyahan ang kuryusidad ng tao.
Mabigyan ng mga kasagutan ang mga tiyak na katanungan.
Malutas ang isang partikular na isyu o kontrobersiya.
Makatuklas ng mga bágong kaalamam.
Maging solusyon ito sa suliranin.
GAMIT NG PANANALIKSIK SA AKADEMIKONG GAWAIN
Magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lámang
METODO O PAMAMARAAN
Disenyo ng pag aaral
Mga kalahok at sampling
Kasangkapan sa pangangalap ng datos
Pangangalap ng datos
DISENYO NG PAGAARAL
Ipinaliliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan,historical, o kayâ’y eksperimental.
URI NG PANANALIKSIK
Pananaliksik na Eksperimental
Korelasyonal na Pananaliksik
Pananaliksik na Hambing – Sanhi
Sarbey na Pananaliksik
Etnograpikong Pananaliksik
Historikal na pananaliksik
Kilos – saliksik / Action Research
URI NG PANANALIKSIK BATAY SA KLASE NG PAGSISIWALAT NG DATOS
Kuwantiteytib
Kuwaliteytib
KUWANTITEYTIB
Pagkalap ng numeriko o istadistikal na datos upang makabuo ng pangkalahatang pananaw na kumakatawan sa paksa
KUWALITEYTIB
Pagkalap ng datos ng mga karanasan ng tao sa kanilang ginagalawang lipunan na hindi maaaring isalin sa numerikong pamamamaraan upang makita ang magkakaibang realidad ng paksa o isyu na pinag-aaralan
KALAHOK AT SAMPLING
Naglalaman ng:
Tiyak na bílang ng mga kasangkot sa pag-aaral
Tiyak na lugar
Hangganan ng kaniyang paksang tatalakayin
Tiyak na panahong sakop ng pag-aaral
KALAHOK AT SAMPLING
Mga katanungang dapat sagutin:
Sino ang kasangkot sa pag-aaral
Ilan ang kasangkot
Paano sila pipiliin
SAMPOL
Grupo (tao o bagay) na pinaghahanguan ng mga impormasyon para sa pananaliksik
PAGKUHA NG SAMPOL
Proseso ng pagpili ng mga indibidwal na miyembro ng isang grupo para sa paksa ng gagawing pag-aaral o pananaliksik.
POPULASYON
Grupong ninanais paghanguan ng resulta sa gagawing pag-aaral
BAKIT PRAKTIS ANG KUMUHA NG ISANG BAHAGI NG MALAKING POPULASYON
Magastos kung buong populasyon
Maraming oras ang igugugol kung buong populasyon
Nakapaghihinuha (Inferring) at nakapaglalahat (generalizing) tungkol sa populasyon gámit ang sampling
HAKBANG SA PAGSASAMPLING
Pagkilala sa populasyon
Pagtiyak sa kinakailangang sukat ng sampol
Estratehiya sa pagpili ng sampol
ESTRATEHIYA SA SAMPLING
Pagkuha ng Random o Random Sampling
Pagkuha ng Non random o Non random Sampling
KASANGKAPAN SA PANGANGALAP NG DATOS
Sa bahaging ito, inilalahad ng mananaliksik ang mga:
detalye sa paraan ng pangongolekta ng datos na upang matugunan ang mga suliraning ipinahayag =
sarbey, talatanungan (questionnaire-checklist), at pakikipanayam
PANGANGALAP NG DATOS
Ipinapaliwanag kung paano ang pangangalap ng mga impormasyong ginamit.
May mga ilang pamantayan sa paghahanap ng mga datos at mga impormasyong kailangan sa pananaliksik.
TALAAN NG SANGGUNIAN
APA
MLA
APA
American Psychological Association
Ginagamit sa mga siyentipikong pananaliksik sa larangan ng sikolohiya, medisina, agham panlipunan, at iba pang mga teknolohikal na larangan
MLA
Modern Language Association
Ginagamit sa mga akademiko at iskolarling papel sa malalayang sining o liberal arts at sa disiplina ng Humanidades.
ETIKA SA PANANALIKSIK
Pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng lipunan na wasto at naaayon sa pamantayan ng nakararami