Tayutay PT.2

Cards (11)

  • Tayutay
    Matalinghagang salita o hindi pangkaraniwang salita o pariralang salita na ginagamit upang mas maunawaan ng damdamin o ideya.
  • Pagtutulad
    Ipinapakita rito ang paghahambing ng mga magkakaibang bagay, tao, hayop, o pangyayari. Ang mga kataga na ginagamit riot ay: para, parang, tulad ng, katulad ng, kahintulad ng, animo, tila, anaki'y kawangis ng, sing-, kasing-, ga-, gaya ng, at iba pa. Halimbawa:"Animo'y kabayo kung tumakbo si Lucas."
  • Pagwawangis
    Tiyak o tuwirang paghahambing. Hindi na ito gumagamit ng mga kataga sa pagtutulad.Halimbawa:"Siya ang ilaw ng amin tahanan."
  • Personipikasyon o Pagsasatao

    Nagbibigay katangin o aksyon sa bagay na walang buhay. Halimbawa: "Nagalit ang buwan sa haba ng gabi."
  • Pagmamalabis
    Pinatintindi nito ang kalabisan o kakulangan ng tunay na kalagayan. Halimbawa: "Nagkaugat ang mga binti ko kakahintay sayo."
  • Pagtatambis
    Nagtataglay ng salitang nagsasalungat.Halimbawa:"Batang matanda."
  • Pang-uyam o Ironya

    Akala'y pinupuri pero nilalait.Halimbawa:"Wow! Ang sarap ng niluto mo. Ni isa'y walang kumain."
  • Pagpalit-tawag
    Pinapalitan ang karaniwang salita.Halimbawa: "Ang pluma ay mas makapangyarihan keysa sa espada."
  • Pagpapalit-saklaw/Sinekdoke

    Parte ng tao ang ipinapalit.Halimbawa: "Ilang bibig ang pinapakain mo?"
  • Pagtawag/Apostrope

    Kinakausap ang isang bagay na parang tao.Halimbawa: "Tukso! Layuan mo ako!"
  • Panghihimig
    TunogHalimbawa:"Tumitiktak ng parang time bomb ang kanyang ulo."