Noong Abril 24, 1898 ay nagkaroon ng pagkakataon si Aguinaldo na makausap si E. Spencer Pratt na noon ay konsul ng USA sa Singapore.
Ang blockade ay ang pagbabawal ng pagpasok sa isang lugar.
Noong Agosto 13, 1898 ay tuluyang isinuko ng mga Espanyol ang Maynila sa mga Amerikano matapos matalo ang mga Espanyol sa tinawag na Mock Battle of Manila o kunwa-kunwariang digmaan.
Ang mainit na tunggalian ng USA at Spain ay humantong sa Spanish-American War.
Si Aguinaldo ang pinakaunang pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Indio ang tawag sa atin ng mga Espanyol.
Little Brown Americans ang tawag satin ng mga Amerikano.
Malaki ang naging papel na ginampanan ni Theodore Roosevelt sa pagsusulong ng USA sa layuning mapanghimasukan ang Pilipinas.
Itinalaga si Commodore George Dewey na magtungo sa Hong Kong upang maghanda sa ilulunsad nilang digmaan laban sa mga Espanyol sa Pilipinas.
Ang pinakamalaking barkong pang-digmaan ng USA ay ang Olimpia.
Ang dagdag ng mga tropang ito ang higit na nagpalakas sa puwersa ng mga Amerikano sa Pilipinas na nasa pangkalahatang pamumuno ni Heneral Wesley E. Meritt.
Matapos lagdaan ang Kasunduan sa Paris ay naglabas ng proklamasyon si Pangulong McKinley noong Disyembre 21, 1898 na tinawag sa kasaysayan Maawaing Pagkupkop o Benevolent Assimilation.